Makabuluhang pelikula binigyan ng Grade A ng Film Rating Board

    362
    0
    SHARE
    Very successful ang advance screening ng pelikulang Dukot sa IbongAdarna Theater noong isang araw. Bale nakaanim na screening ito at talaga namang pila ang mga utaw nanood dito.

    It looks like, makababawi ang producer ng movie na ito.

    Ang producer ng pelikula ay CDP Events Entertainment Production at ATD Entertainment Productions.

    Masaya ang mga taong nasa likod ng political film na “Dukot” ( Desaparecidos),na dinirehe ng multi-awarded director Joel C. Lamangan dahil ito’y binigyan ng Grade “A” ng Cinema Evaluation Board (CEB).Ibig sabihin nito,meron itong 100% tax rebate. Pinuri ng CEB ang mapangahas na pagtatalakay nito sa mga aktibistang dinudukot at pinapaslang. Buong husay na nagampanan ng mga artista ang kanilang papel sa pelikula lalo na ang bidang sina Iza Calzado at Allen Dizon,angat ang mga suportang ibinigay nina Snooky Serna, Emilio Garcia, Robert Arevalo at Gina Alajar. Malinis ang teknikal na aspeto ng pelikula at mapuwersa ang direksyon ni Direk Joel Lamangan.

    Ang “Dukot” ( Desaparecidos) ay isa sa napabilang sa 2009 Montreal World Film Festival at naka-line up ipalabas sa iba’t ibang Human Rights Film Festival abroad. Ito’y mapapanood sa piling sinehan sa December 2 sa panahon ng “Human Rights Month”. Sa December 4 at 5 naman ang pagtatanghal sa Davao. Sa December 10 ang Baguio at magkakaroon ito ng espesyal na pagtatanghal sa Hongkong sa December 6. Inaayos na rin ang pagpapalabas sa susunod na taon sa Japan, Australia, Europa, Amerika at Canada.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here