Makabagong Vilma-Boyet tandem

    260
    0
    SHARE

    Magkasamang nanood sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo last Tuesday night ng The Mistress, ang pelikulang pinagbibidahan ng aktres at ni John Lloyd Cruz.

    Kuwento ni Bea, kasama nila ni Zanjoe ang ibang friends na nanood. Asked kung ano ang naging reaksyon ng boyfriend sa daring scenes nila ni Lloydie, sey ng aktres, “Wala, ginagawa na lang niyang joke.”

    Aminado rin ang aktres na medyo nailang nga siya kay Zanjoe habang pinapanood nila ang daring scenes.

    “Pero proud naman siya after. Tinatanong ko siya kung nagustuhan niya, proud siya sa akin, gustung-gusto niya ang ending. Proud siya na masasabi niya nga, ito raw ’yung best ko,” sey ni Bea.

    Eh, kung si Zanjoe naman ang magkaroon ng ganu’ng mga eksena?

    “Ay naku, matindi pa ’yung ginagawa niya sa One More Chance (movie ni Zanjoe with Angelica Panganiban, Angel Locsin and Dingdong Dantes na kasalukuyang sinu-shoot), ano! Nababalitaan ko sa Star Cinema kung ano ’yung ginagawa nila,” natatawa niyang sabi.

    Masayang-masaya si Bea sa malaking tagumpay ng pelikula niya na sa first week pa lang daw ay kumita na agad ng P140M.

    May precedent na ang ganitong tema dahil ang No Other Woman, na tungkol sa mistress din, ay matatandaang naging hit din.

    “Pero kasi, hindi siya kagaya ng No Other Woman. ’Di ba kasi, marami silang batuhan ng linya, eh. Dito kasi, iba, kung mapapansin n’yo, quiet ’yung film, so, hindi namin in-expect na magugustuhan ng tao.

    “So, proud din kami sa audience namin dahil ibig sabihin, naghahanap din sila ng kakaiba, na naghahanap din sila ng matapang. So, ’yun, nakaka-proud din ang Filipino audience.”

    Ano ang masasabi niya sa obserbasyon na sila na ni Lloydie ang makabagong Vilma Santos-Christopher de Leon tandem?

    “Mabigat ’yan, pero sana. Sino ba naman ang hindi papangarapin na marating ’yung naabot nila? Pero medyo marami pa kaming kakaining bigas talaga. Sana,” she said.

    Kararating lang ni Bea last Monday mula sa Nice, France, kung saan ay nagkaroon ng first international screening ang movie nila ni Lloydie.

    Asked kung bakit hindi niya sinama si Zanjoe, aniya, may schedule rin kasing work ang boyfriend.

    “Gusto kong bumalik kami ni Zanjoe doon na magkasama, pero hindi work,” sey niya.

    Kasama niya rin sa Nice ang leading man niyang si John Lloyd na, as we all know, ay isinama naman ang rumored GF na si Angelica Panganiban.

    Natawa na lang si Bea nang tanungin kung hindi ba siya nainggit sa dalawa.

    “Pero ang ganda ru’n, grabe! Pang-mayaman! ’Pag mayaman na kami, babalik kami,” paiwas niyang sey na natatawa pa rin.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here