‘Major winning factor,’ wala sa kamay ni PNoy

    236
    0
    SHARE
    Kung sa akala ni Bise Presidente
    Mar Roxas, na ang kanyang pagtakbo bale
    Sa pam-panguluhan ay makabubuti
    Ang umano’y suporta ni Presidente

    Para masungkit ang puwestong iiwanan
    Nitong isa sa darating na halalan,
    Mas makabubuti marahil sa kanyang
    Pagtakbo ang huwag nang kay PNoy sumandal

    Dahilan na rin sa kay BS Aquino
    Ay walang gaanong simpatya ang tao
    Kung kaya nga’t imbes makatulong ito,
    Di malayong makabawas pa ng boto.

    Sanhi na rin nitong di naging maganda
    Ang performance nito sa mata ng masa,
    Maliban sa mga kapalpakan niya
    Na ikinasira ng lubos kumbaga.

    At sa ganang aking sariling palagay
    Ay kabaligtaran ng Tatay at Nanay
    Ang ilan pang kanyang naging kapintasan
    Sa panahon ng kanyang panunungkulan

    Na di ikapuri ng angkang Aquino
    Kundi bagkus kabaligtaran siguro,
    Kasi nga’y batbat ng anomalya mismo
    At grabeng korapsyon ang pag-upo nito

    Nang dahil na rin sa kanyang alipores
    Na napabalitang di lamang milyones
    Ang sa kabang-bayan kanilang nakupit
    Sa pamamagitan ng mga ‘ghost projects’

    At iba’t-iba pang klaseng anomalya
    Na talaga namang sabi’y sobra-sobra
    Ang ipinalabas na malaking pera
    Ni Abad, na aywan kung saan napunta.

    Kaya nga’t sa isang banda’y kapintasan
    Ang kinahinatnan ng ‘Tuwid na Daan’
    Ni PNoy nang dahil sa kabaligtaran
    Sa kalagitnaan ang kinasapitan!

    Kung kaya sa puntong yan ay papaano
    Matutulungan si Roxas ni Aquino,
    Ngayong itong nais sandalan ng husto
    Ni Mar ay wala nang karisma sa tao?

    Di ko sinasabing di makatutulong
    Sa kampanya ni Mar si Pangulong PNoy,
    Pero kung dito lang sa Pampanga Region
    Ang mamanukin niya’y pihong talo ngayon.

    Lalo’t kagaya n’yan na si Grace Poe yata
    Ay nagpahayag na ng tunay na nasa,
    At pagka-Pangulo na ng ating bansa
    Ang target imbes kay Mar ay tumiket nga

    Para maging Bise niya sa darating
    Na ‘national & local election’ natin,
    At ngayo’y purnada na sa pangyayaring
    Ang ‘controversial Poe’ pala’y hahabol din?

    At kaya anhin man palang haranain
    Ng kampo ni Roxas para makapiling
    Bilang ka-tandem niya ay panay ang iling,
    Sapagkat siya pala nama’y may balak din?

    Sa puntong ito ang tanging masasabi
    Natin ay bahala na r’yan ang botante
    Sa sinumang hahabol pang Presidente
    Maliban kina Poe at Mar Roxas pati!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here