DEDMA na lang si Maja Salvador sa mga nagsasabing nag-rigodon lang sila ni Sarah Geronimo ng mga partner in real life.
As we all know, ang dating boyfriend ng una ay si Matteo Guidicelli at ang huli naman ay si Gerald Anderson.
Umikot ang mundo at ngayon, si Maja ay girlfriend na ni Gerald and si Sarah naman, as we all know, boyfriend na nga si Matteo. Pero say ni Maja, hindi niya mapipigilan ang mga tao sa gustong isipin ng mga ito.
“Eh, kanya-kanya po ’yang opinyon, eh, so, irespeto na lang natin. Hindi ko maipagtatanggol ang bawat isa sa amin, kaya ’yun, kung ano ’yung comment or opinion nila, I’ll just respect that,” say ni Maja na magkakaroon ng major solo concert sa Music Museum on July 12 titled Maj: The Legal Performer.
She’s just happy for Sarah and Matteo kaya maging masaya na lang daw sana ang lahat for all of them. Magaganda lately at puro positibo ang nangyayari sa buhay ni Maja — sa career man o personal life — kaya naman masayangmasaya siya.
Happy ang lovelife niya at sa career naman, hanggang ngayon, nagri-rave pa rin ang mga tao sa makasaysayan niyang pagganap bilang Nicole sa The Legal Wife. Isa pang magandang nangyari sa kanya ay ang pagkakaayos nila ni Kim Chiu. Bagama’t hindi pa nababalik ’yung eksaktong dating friendship nila, ani Maja, nagkakausap naman sila parati.
“Wala lang kaming text, pero kung paano kami magtsikahan, kung paano kami magtawanan sa ASAP, ganu’n po.
Lahat positive, positive tayo, kaya marami tayong blessings siguro,” she said. In time raw siguro, mababalik din ’yung dati nilang friendship at ayaw daw niyang pilitin. “Ako, happy na ako na nag-uusap na ulit kami,” she sa