Feeling super haba ang hair ni Maja Salvador these days. Why? Kasi nga pormal na raw siyang ipinakilala ni Gerald Anderson sa kanyang pamilya sa GenSan.
Dinala siya roon ni Gerald ngayong Kapaskuhan at yun na nga, abot tenga ang ngiti ni Maja kasi nga, siya pa lang ang babaing dinala at ipinakilala ni Gerald sa kanyang pamilya sa GenSan.
Isa pang labis na ikinatutuwa ni Maja is the fact na nakikita nga niyang seryoso na sa kanya ang boyfriend at mukhang siya a ang pakakasalan nito.
“I just want her to see the place where I grew up,” sabi ni Gerald. “Okay naman. We all had fun. We even went camping at nag-enjoy kami. Ang saya!” And what’s his family’s impression of Maja? “They find her okay. I’m so thankful na nag-meet na sila.
It’s a good way to start the new year. Panibagong blessing sa simula ng taon.” May bagong movie ngayon si Gerald, “Halik sa Hangin,” opposite Julia Montes, and he also has a new TV show, “Nathaniel,” with Isabelle Daza and Shaina Magdayao.
So how is it working with Julia in “Halik sa Hangin” that opens on January 28? “I’m so glad to be given the chance to work with her kasi napakagaling niya. And she’s very cooperative. First time niya to do an intense love scene at nagtulong kami para lumabas na maganda.
She was so nervous at first. Nanginginig talaga siya. Panay ang sign of the cross niya, so I assured her aalalayan ko siya so she’dbe more comfortable while doing the scene.
I can understand her kasi she’s only 19 and she’s never done anything like it. At challenging talaga ‘yung buong movie for her kasi very mature ang role at ang story.
Maraming ni-require sa kanya at binigay naman niyang lahat. Maraming gugulatin si Julia rito so don’t miss it.”