Maja Salvador dream come true ang pagtambal kay Dennis Trillo

    356
    0
    SHARE
    Very vocal si Maja Salvador na matagal na niyang pangarap na makatrabaho si Dennis Trillo kaya sobrang thankful siya sa Regal Entertainment and Star Cinema na ibinigay sa kanila ang pelikulang You’re Still The One dahil natupad na ang kanyang dream.

    “And siyempre, kay Dennis din dahil natuloy ang pelikulang ito,” sabi ni Maja sa presscon kahapon ng You’re Still The One.

    She added, “kung alam n’yo lang po, two years in the making ang pelikulang ito. May script na, pero hindi nagtutugma ang schedule namin ni Dennis.”

    “Ngayon, finally, eto na nga po, ipapalabas na po siya. Sobrang masaya po ako. Nag-enjoy po ako na gumawa ng ganitong istorya, tapos ang mga kasama ko pa, magaan katrabaho like si Direk (Chris Martinez), kahit pangalawang beses na naming nagkatrabaho, ibang atake naman ang ibinibigay namin dito sa pelikula. “And kay Papa Chen (Richard Yap), kung dati tatay-tatayan ko siya du’n sa teleserye, ngayon parang nakakatuwa na parang nag-level-up kahit paano dahil dito sa pelikulang ito, nagkaroon kami ng relasyon at ibang experience ’yun para sa akin.

    “And siyempre, ang pagsasama naman namin nina Melai (Cantiveros) and Jason (Francisco) na dati nakasama ko sila sa Impostor at ngayon, nagkaroon po ulit ng chance para magkatrabaho kami ulit.

    “So, ’yun, masaya na ’yung mga nakatrabaho mo dati, eh, nakakatrabaho mo ulit ngayon at mas okay ngayon, mas masaya sa set, tapos dinagdagan pa ni Mr. Dennis Trillo.”

    May mga matitinding love scene dito si Maja both with Dennis and Richard kaya aminado si Direk Chris na talagang at first ay natakot siyang baka hindi tanggapin ng aktres ang movie.

    “This is really a departure from what we really see her usually do in movies, eh. Malaki ’yung hiningi ng role from her in terms of maturity ng character, views about love and relationships and sex, ’yung ganu’n. So this is something very mature for her,” say ni Direk Chris.

    Ayon kay Direk, tatlo ang matitinding love scenes nina Maja at Dennis sa movie. Pero say ng aktres, hindi lang naman ’yung mga eksenang ’yun ang masasabing kakaiba sa kanyang mga dating ginagawa kungdi maging ang karakter mismo.

    “Grabe ’yung pagka-mature ng karakter kaya hindi lang ako sa love scenes nag-worry kasi may mga dialogues din, ’yung sitwasyon din, ’yung mismong karakter din, sobrang ‘ha, kababae mong tao?’ siya ’yung… (aggressive),” kwento ni Maja.

    “Sa pelikulang ginawa ko, ito ’yung pinaka,” say pa ng aktres.

    Kwento pa ni Maja, nauna raw ang pag-okay niya na makasama si Dennis bago niya nabasa ang script kaya hindi na raw siya nakaurong pa. Pero no regrets naman daw dahil matagal na nga raw niyang dream na makasama ang aktor at hindi naman daw bastos ang pagkakagawa ni Direk.

    Sa iba-ibang lugar ang love scenes nina Maja at Dennis. Mayroon sa kitchen, sa kama, basta paikut-ikot daw sa bahay.

    Say ni Maja, kada may matatapos siyang eksena ay nakakatanggap daw siya ng tapik sa likod mula kay Dennis.

    “Sabi ko, ano kayang (meaning ng) tap (na ’yun), parang ‘good job?’

    Pagka-cut, may ganu’n sa akin si Dennis. Laging may tap, ano kaya ’yun?

    “Noong una, iniisip ko, first love scene kasi namin ’yun, sabi ko, ‘Direk, ano kaya ’yun, good job? Pero ang nasa isip ko, siguro nakikita niya na natetensyon ako kaya laging ‘sana okay ka lang, okay lang ’yan,’” kwento ni Maja.

    Kinumpirma naman ni Dennis na good job nga ang ibig sabihin ng tapik na ’yun sa likod.

    Dahil kabi-break nga lang ni Maja, at si Dennis naman ay parang single rin dahil wala pa naman siyang inaamin na nagkabalikan sila ni Jennylyn Mercado, tinanong ang dalawa kung posible bang ma-in-love sila sa isa’t isa.

    “Pwede,” natatawang sabi ng aktres. “Sa eksena kasi namin, may ganun, pwede! Pero hindi, tingnan po natin. Depende ’yan kay Dennis.

    Ngayon, kumalma lang po, kalma lang ang puso ko,” say pa ni Maja.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here