Huling nakarelasyon ni Rayver si Cristine Reyes habang si Maja Salvador naman ang last girlfriend ni Gerald. Bago kay Maja, naging karelasyon ni Gerlad si Kim Chiu na ex-best friend ng una.
Kung tutuusin, hindi lamang sina Kim, Sarah at Maja ang na-link noon kay Gerald kundi sandali rin silang nagkaroon ng relasyon ni Bea Alonzo na nobya ngayon ni Zanjoe Marudo.
Magkaibigang muli sina Kim at Maja pero hindi na naibalik ang kanilang pagiging mag-best friend. In good terms din si Sarah kina Kim at Maja at sinabi rin ng pop princess na okey na sila nina Rayver at Gerald.
Hindi nagmamadali si Maja na magkaroon ng bagong karelasyon although may lumulutang na balita linking her sa kanyang co-actor sa “Bridges of Love” na si Paulo Avelino. Sa ngayon ay mas gusto muna ni Maja na mag-focus sa kanyang trabaho.
Happy naman si Gerald para kay Sarah dahil alam niya kung gaano ito kasaya ngayon sa piling ni Matteo.
Dahil sa liit ng mundo na kanilang ginagalawan, hindi talaga sila puwedeng mag-dedmahan forever.