Mailap ang hustisya

    441
    0
    SHARE

    KUNG ang kagaya ng PDEA’t PNP
    nabale-wala ang kasong sinumite
    nila sa DOJ, laban sa tulad ni
    Kerwin Espinosa at iba pa pati;

    Gayong malinaw pa sa sikat ng araw
    ang mga pahayag na halos isigaw
    ng tumayong ‘witness’ pero di ba’t agaw
    pansin itong bigla ang kaso ‘dismissed’ daw?

    Ako pa kaya ang di basta na lamang
    ibasura nitong ‘mabait’ na Piskal
    ang isinampa kong demanda r’yan laban
    sa doktor na ang ‘initial’ ay I.G.R.?

    Kung saan ang Piskal na dating may hawak
    ng kaso ay ipina- ‘inhibit’ at sukat
    ng ‘respondent,’ pagkat hinala’y di patas
    si Bolisay, na nag-’inhibit’ kaagad.

    ‘Counsel’ niya’y sumulat kay Sec Vitaliano
    Aguirre II ng DOJ mismo,
    at ang hiling ay sa Maynila ang ‘venue’.
    ng ‘preliminary conference’ ng kaso

    Kung pinagbigyan o hindi ang nasabing
    ‘request’ sa DOJ, di na kami muling
    nagkaharap sa Piskalya nitong aking
    kinasuhan na isang doktor pa mandin.

    Pagkat si Tepace na huling humawak
    sa nasabing kaso, di naglaang oras
    para sa’min upang kami’y magkaharap
    (ng ‘respondent’) na di ipagkait dapat

    Kasi bilang Piskal ay marapat lang na
    maging ‘approachable’ sila sa tuwina
    ‘for any possible settlement’ kumbaga
    nitong nagdemanda at idinimanda.

    Dala na rin nitong di basta na lamang
    pupunta ang isang taong di abnormal
    sa ating Kagawaran ng Katarungan
    para magdemanda nang walang dahilan.

    Tulad ko, ako ba’y luku-luko para
    si Ramos ay aking basta idimanda,
    kung napagkasunduan naming dalawa
    ang kung anong dapat isagawa niya?

    Kung saan napatay nga niya si Misis
    nang pangangahasan n’yang idayalisis,
    na di man lang kami nag-usap ni saglit
    hinggil sa di dapat ginawa ng putris.

    At sanhi nang di nga kami pinagharap
    ni Tepace ‘in person’ mag-usap dapat
    ng ‘counsel’ ni Ramos – at hindi sa tawag
    ang hinggil sa kaso. naglaho ang lahat;

    Nang ibasura ng Piskal na naturan
    ang aking demanda nang basta na lamang;
    na ikinatuwa naman nang lubusan
    marahil ni Ramos ang pangyayaring iyan.

    Pero kung binigyan kami ni Tepace
    ng tsansang sa opis niya’y mag-usap kami,
    at di gaya r’yan nang sa celphone lang kasi
    ako kinausap, dapat may nangyari

    Na ‘compromise’ kaya hindi di maialis
    sa akin ni Piskal ang hindi manaig
    sa puso’t diwa ang may nabigyan kahit
    pangkape lang kaya ang kaso na-dismissed.

    Kung saan lumigwak din ang dapat sana
    ay sa ‘out of court’ na nga lang naresolba;
    kung ang prosecutor ay di nag-apura
    at di naging atat na ya’y ibasura!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here