Mahusay magpaikot ng movie press

    358
    0
    SHARE

    BUHAT na magkasama sa pelikula ng guwapong aktor ang seksi aktres, ay marami ang nagsasabing may relasyon na ang dalawa.

    Mahusay magtago ang dalawa ng sikreto at maging ang mga kapanayam sa mga showbiz talk shows at movie press ay kaya nilang paikutin ang kanilang mga sagot as in hindi sila mapaamin na magsyota na sila.

    Sa huling guesting ng aktor na tilam tilam ang kamachuhan ay tinanong siya ng female TV host kung ano ang level ng kanilang closeness ng aktres.

    Sinagot niya na may pagtingin nga siya sa aktres…pero wala silang relasyon. Ow, di ba ang galing lumusot niya na tila maraming kamag-anak sa Cuenca, Batangas.

    Kung sabagay, marami naman silang artista na takot magsalita pero magugulat ka na lang na hiwalay na pala sila. Sige, bahala sila…ganyan talaga ang drama nila, lituhin ang mga working press

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here