Wala nang maaring makapagbago pa
D’yan sa nangyayaring pasapit sa t’wina
R’yan ng bagong taon, may nadidisgasya
Nang dahil sa dapat ay ipagbawal na;
At di na rin dapat bigyan ng pahintulot
Na makagawa ng bawal na paputok
Ang kahit na sinong hindi makasunod
D’yan sa mahigpit na ipinag-uutos.
Katuwiran nitong may negosyo ng ganyan,
Ito raw ang tangi nilang hanapbuhay;
At matamang sinusunod ang anumang
Ipinagbabawal ng pamahalaan;
Gaya ng paputok na sobra ang lakas,
Na noon pa man ay di na nila dapat
Gawin, pero bakit pagsapit ng oras
Na kailangan, may nabibili sa labas?
Kung ito’y imported, malamang B.O.C.
Ang sa puntong ito r’yan ang posible,
Na nagpausot n’yan – ang hinala pati
Nitong kapwa natin, na di rin kumporme.
Na maipasok ang lubhang delikado
At di rin maaring maitago ito
Sa loob dahil sa ito’y sigurado
Ring sira, matapos lang ang ilang linggo.
Kaya nga’t wala nang mas mabuti riyan
Kundi ang ito ay dapat nang tuluyang
Ipagbawal itong pagawa ng ganyang
Klase ng paputok sa alin mang bayan.
Kundi rin lang sila matutong sumunod
Sa kung anong nararapat na masunod
Itong gumagawa ng ganyang paputok
D’yan sa alin pa mang bayan at/o lungsod.
Kundi rin lang sila matuto nang ganap
Sa ‘pinag-utos ng Saligang Batas
Na kung saan tayo at ang lahat-lahat
Marapat sundin ang kung ano ang dapat.
Kung di sumunod ang kinauukulang
Posibleng sangkot sa bagay na naturan,
Na gumagawa ng paputok na bawal,
Dakpin at ikulong nang di pamarisan;
Ng nakararaming hayan patuloy pa
Sa pag-gawa r’yan ng katulad ng ‘Pla-pla,
Judas belt’ at nitong d’yan ay iba’t-iba
Pang-klaseng paputok, na ang lakas sobra.
At ikulong itong makita nang aktual
Na di sumunod sa ipinaiiral
Ng ating gobyerno ay kinakailangang
Dakpin at ikulong upang magtanda yan.
At kahit sino siya dapin, nang matuto
Silang igalang ang utos ng gobyerno;
Ang pag-disiplina sa sinuman, wasto
Kung walang paglabag sa ‘human rights’ nito
D’yan nasusukat ang mali at tama
Sa pagpapa-iral ng batas, kung kaya
Maging sino siya – di dapat gumawa
Nang di na-aayon sa Batas Pambansa!~