Home Headlines Mahigit 300 kumukuha ng travel pass araw-araw

Mahigit 300 kumukuha ng travel pass araw-araw

846
0
SHARE

Genel Llanes, tagapangasiwa sa travel pass ng Samal LGU. Kuha ni Ernie Esconde



SAMAL, Bataan
Umaabot sa 300 ang mga tao sa bayang ito ang kumukuha ng travel pass araw-araw noong modified enhanced community quarantine pa ngunit lalong dumami nang magsimula na ang general community quarantine.

Ayon kay Genel Llanes, nangangasiwa sa pagbibigay ng permit to travel, mas dumami ang mga taong pumila ngunit mabuti naman, aniya, na sumusunod sa physicaldistancing ang mga ito.

Marami, aniyang, manggagawa sa Samal kaya hindi kataka-taka na talagang dagsa ang mga tao sa pagkuha ng travel pass lalo na ngayong nadagdagan na ang mga kumpanyang pinayagan sa ilalim ng GCQ.

Mas marami raw ang mga tao kapag araw ng renewal ng authority to travel na umaabot sa isang libo at tiyak daw na ngayong GCQ ay lalong darami pa ito.

Upang makakuha ng travel pass, kailangan, aniya, ng medical certificate at identification card ang mga lalabas ng bayan ng Samal lalung-lalo na ang mga magtutungo sa ibang lalawigan.

Sa tinatawag naman, aniyang, locally-stranded individual (LSI), ang gumagawa ng authority to travel ay ang pulisya ng Samal na kailangan naman ang LSI sa barangay ng magbibiyahe at medical certificate mula sa municipal health office.

Upang hindi na mahirapan sa gastos, ginawang libre ni Mayor Aida Macalinao ang medical certificate, sabi ni Llanes.

“Mga kababayan, huwag po muna kayo kaagad lalabas ngayon dahil ang title pa din ng ating dalawang linggo ay GCQ.  Hindi pa tayo clear dahil may mga cases pa rin tayo at may mga tinetest pa rin sa coronavirus disease, panawagan nito.

“Sana hanggang maaari, manatili sa bahay dahiltandaaan ninyo na GCQ at meron pang modified ‘yan. Mas maghigpit tayo kasi wala pang vaccine. Kailangan pangalagaan ang sarili, dumistansya tayo, mag-vitamins at gawin ang pagpapabuti sa katawan,” patuloy ni Llanes.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here