LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Umabot na sa 2.5 milyong mamamayan ng Bulacan ang fully vaccinated na o nakakumpleto ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa Provincial Health Office, ito ay binubuo ng 83.74 porsyento ng eligible population kabilang na ang mga healthcare workers, senior citizens, persons with co-morbidities, at economic workers.
Nasa 2,653,366 naman ang may first dose o may katumbas na 88.03 porsyento.
Samantala, umabot na sa 692,267 ang nakatanggap na ng unang booster shot samantalang nasa 81,628 pa lamang ang may ikalawang booster shot.
Sinabi ni Edwin Tecson, Provincial Health Officer I, na nasa “moderate” ang epidemic risk classification ng lalawigan kung saan anim na porsyento ang one-week growth rate o ang pagdami ng kaso mula Hulyo 19-25 at Hulyo 26- Agosto 01.
Gayunman, nananatili naman nasa Alert Level 1 ang buong probinsya.
Paalala ng PHO patuloy pa rin sumunod sa minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face masks, paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa mataong lugar, pagkakaroon ng maayos na bentilasyon) upang makaiwas sa COVID-19.
Gayundin, mabisang panlaban sa COVID-19 ang pagkumpleto ng mga bakuna at pagkakaroon ng booster shots