Home Headlines Mahigit 1,500 sa Hataw-Takbo sa Hermosa

Mahigit 1,500 sa Hataw-Takbo sa Hermosa

455
0
SHARE
Tumakbo rin sina Gov. Jose Enrique Garcia 3rd at Hermosa Mayor Jopet Inton. Contributed photo

HERMOSA, Bataan — Mahigit 1,500 tao ang sumali sa “Hataw – Takbo” na ginanap sa bahagi ng MacArthur Highway dito noong Sabado, Pebrero 3.

Ang mga kalahok sa 16K, 10K, 5K at 3K runs ay hindi lamang mula sa Hermosa kundi ganoon din sa mga kalapit bayan sa lalawigan.

May 300 kalahok sa 16K at 10K ang nabigyan ng finishers medals.

– Sari-saring edad, sari-saring kasarian ang sumali sa takbuhan. Contributed photo

Pinangunahan nina Gov. Jose Enrique Garcia 3rd, Vice Gov. Cris Garcia, at Hermosa Mayor Jopet Inton ang aktibidad.

Ang “Hataw – Takbo” ay isang proyekto ng pamahalaang-panlalawigan sa pagsusulong ng malusog na pangangatawan at aktibong pamumuhay para sa matatag na pamilyang Bataeño. Ginaganap ito by rotation sa 11 bayan at isang lungsod sa Bataan.

Pangalawang leg na ito sa Hermosa at una sa Bataan sa 2024 ang mas pinasaya, mas pinakulay at mas bonggang okasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here