MALOLOS—Mahigit sa 1-milyong Bulakenyo ang bumoto sa halalan sa ikatlong pagkakataon, ayon sa tala ng Commission on Elections (Comelec).
Ito ay nagpapakita lamang ng pagtitiwala at pananabik ng mga botante na makiisa sa makasaysayang halalan kung saan sa unang pagkakataon ay ginamit ang Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine na nagpabilis sa proseso ng bilangan ng boto.
Ngunit para sa ilang tagamasid sa pulitika na tumanging ipabanggit ang pagkakakilanlan, masasabi ring ang pananabik ng mga botante na lumahok sa nakaraang halalan ay isang tanda ng kanilang pagnanais na magkaroon ng pagbabago sa pamamagitan ng kanilang boto.
Batay sa tala ng Comelec sa Bulacan, umabot sa 1,158,982 sa kabuuang 1,488,332 rehistradong botanteng Bulakenyo ang bumoto sa nakaraang halalan.
Ito ay higit na mas mataas sa naitalang 1,066,693 bilang ng bumoto noong 2004 synchronized national and local elections; at sa naitalang 1,013,693 bilang ng botante sa halalan para sa mga senador, kongresista at mga lokal na opisyal noong 2007.
“Ikatlong halalan na ito na mahigit 1-milyong botante ang bumoto sa Bulacan,” ani Atty. Sabino Mejarito.
Batay sa tala ng Comelec, ang Bulacan ay ang may pinakatamaas na bilang ng rehistradong botante sa rehiyon. Ito ay isa rin sa mga lalawigan sa rehiyon na may mahigit sa 1 milyong rehistradong botante.
Ang dalawa pang lalawigan sa rehiyon na may higit sa 1-milyong botante ay ang Nueva Ecija at Pampanga.
Batay sa tala ng Comelec, ang Nueva Ecija ay may kabuuang bilang na rehistradong botante na umaabot sa 1,289,804; samantalang ang Pampanga ay may 1,211,162 rehistradong botante.
Ayon kay Mejarito, ang mataas na bilang ng bumoto sa Bulacan ay isang palataandaan ng pagtitiwala ng mga botanteng Bulakenyo sa makabagong sistemang ginamit sa halalan.
Bukod dito, sinabi niya na may pananabik din ang mga botante na masubukan ang makabagong sistema.
Inihalimbawa ni Mejarito ang ulat sa kanya ng mga election officers sa ibat-ibang lalawigan kung saan ay maaga pa ay nakapila ang mga botante sa presinto.
“Isang malinaw na basehan ito ng tagumpay ang halalan,” ani Mejarito patungkol sa mataas na bilang ng mga bumoto.
Ngunit para sa ilang tagamasid sa pulitika sa Malolos at bayan ng Hagonoy, ang mataas na bilang ng botanteng bumoto sa nagdaang halalan ay isa ring palatandaan na ang mga tao ay sawa na sa kasalukuyang administrasyong lokal at nasyunal.
Inihalimbawa nila na mas mataas ang bilang ng mga bumoto sa halalan noong 2004 at 2010 kumpara sa bilang ng bumoto noong 2007.
Ayon pa sa mga tagamasid, nais ng mga botante na matiyak na mananalo ang kanilang kandidato kaya’t nagsiboto ang mga ito.
“Isa yan sa pakikibahagi nila sa pagbabago na hinihiling ng bayan, kahit isang boto lang, may magagawa kapag pinagsama-sama,” ani ng tagamasid na taga Malolos na aktibong naging bahagi ng kandidatura ng mga opisyal sa lalawigan sa mga nagdaang halalan mula noong dekada 90.
Inayunan naman ito ng isang political operator mula sa bayan ng Hagonoy na hiniling din na ipakilala na lamang siya bilang tagamasid pulitika.
Sinabi niya na hindi lamang ang tunggalian sa mga pambansang posisyon ang nakahikayat sa mga Bulakenyo upang magsiboto, sa halip ay ang tunggalian sa pagka-gobernador.
“Malakas ang dalawang naglaban, pero mas nanaig ang kagustuhan ng mga Bulakenyo na iba naman ang iboto dahil yung isang kandidatong gobernador ay dati na, gusto ng tao ay iba naman,” ani ng tagamasid sa pulitika.