LUNGSOD NG MALOLOS – Bukod sa pamamaslang at tangkang panunuhol, dumanas rin ng pananakot ang mga saksi at pamilya ng mga biktima sa Maguindanao Massacre, samantalang posibleng hindi makamit ang katarungan para sa mga biktima dahil sa problema sa proseso ng pag-usig sa kaso.
Ito ang buod ng 13-pahinang ulat na “Impunity on trial in the Philippines” na inilabas ng Committee to Protect Journalist (CPJ) noong Nobyembre 10 at ipinagkaloob sa Punto Central Luzon.
Ang nasabing ulat ay inakda ni Shawn Crispin, ang CPJ’s senior Southeast Asia representative ay patungkol sa makahayop na Maguindanao Massacre noong Nobyembre 23, 2009, kung saan ay 57 katao kabilang ang 32 mamamahayag ang walang awang pinaslang.
Kabilang din sa nasabing ulat ay ang pitong rekomendasyon ng CPJ sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III upang maipagkaloob ang katarungan sa mga biktima.
Sa kasalukuyan, ang kaso ay dinidinig, ngunit 19 lamang sa 196 na suspek, kabilang ang itinuturong utak ng pamamaslang na si Andal Ampatuan Jr., ang inuusig sa paglilitis, ang 47 pang suspek na nasa kostudiya ng pamahalaan ay hindi pa nakakasuhan.
Ayon sa ulat ng CPJ, natuklasan nila na na ang pamilya ng mga biktima sa Maguindanao Massacre ay inalok ng suhol upang bumitaw sa kaso, ilang saksi ang pinaslang o tinakot; samantalang hindi tama ang pag-iipon ng ebidensya ng pulisya at maraming pagkakamali sa forensic investigation.
“The disturbing pattern of actions meant to undermine justice in the murder cases of Philippine journalists continue,” ani Crispin at idinagdagdag pa na, “survivors’ families and witnesses need protection from those who want impunity to prevail.”
Sinabi niya sa ulat na isang magandang palatandaan ang katotohanang kasalukuyang nakakulong ang anim na kasapi ng pamilya Ampatuan; ngunit mahigit namang 100 suspek ang nakalalaya kabilang ang ilang pinuno ng pulisya at armadong tauhan ng mga Ampatuan.
Ayon kay Crispin, ang pananatiling malaya ng iba pang mga suspek ay naghahatid sa kanila ng pangamba na hindi makamit ang katarungan sa nasabing pamamaslang.
Gayun din ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque ng makapanayam sa telepono.
Iginiit pa ni Roque na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nabibigyan ng pamahalaan ng kompensasyon ang mga biktima, halos isang taon matapos ang pamamaslang.
Ayon kay Roque, dapat aminin ng gobyerno na nagkaroon ito ng pagkukulang sa pagtupad sa tungkuling bigyang ng proteksyon ang buhay ng mga mamamayan.
Habang nagmamatigas ang gobyerno sa pag-amin ng obligasyon nito, unti-unti ring gumulong ang paglilitis sa kaso, ngunit lubhang mabagal ito, at ayon sa ilang dalubhasa sa batas, ang mabagal na proseso ay pumapabor sa pamilya Ampatuan.
Ito ay dahil na rin sa mga pagtatangka ng panunuhol sa pamilya ng mga biktima at mga saksi.
“State prosecutors would continue to pursue the case as a crime against the Philippine people, but they fear if enough families accepted offers it would weaken the solidarity of the prosecution, as well as the resolve of witnesses to testify,” ayon sa ulat ng CPJ.
Isang halimbawa ay si Luisa Subang, ang maybahay ng pinaslang na mamamahayag na si Francisco “Ian” Subang, na nagsabi sa CPJ na siya ay inalok ng P500,000 ng mga taong nagpakilalang kumakatawan sa mga Ampatuan kapalit ng kanyang pag-urong sa kaso.
Ngunit tumanggi si Luisa dahil nais niya at ng kanyang tatlong anak na matapos ang kaso at makamit ang katarungan.
Tumanggi rin si Nancy dela Cruz, ang ina ng mamamahayag na si Gina Dela Cruz ng siya ay alukin ng P3-milyon para lumagda sa isang blangkong papel.
Maging ang mga saksi sa nasabing pamamaslang ay inalok din ng suhol kapalit ng pag-urong sa planong pagtestigo sa kaso.
Ayon sa mga abogado ng pag-uusig, ilang kliyente nila ang inalok ng suhol na nagkakahalaga ng P5-milyon.
Nanantiling buhay ang mga nasabing saksi, ngunit ang ilan sa kanila ay napaslang na at ang iba pa ay tinakot at sumailalim sa karahasan.
Isang halimbawa ay si Ampatuan Vice Mayor Rasul Sangki na tumestigo noong Enero na nasaksihan niya kung paano binaril ni Andal Ampatuan Jr., ang unang biktima gamit ang isang mataas na kalibre ng baril.
Isang araw matapos magbigay ng testimonya si Sangki sa Maynila, ang kanyang bahay sa Maguinadanao ay binomba ng mortar ng mga hindi kilalang suspek.
Noon namang Hulyo 2, ang abogado ni Sangki na si Richard Petisme ay binaril sa leeg ng di nakilalang salarin habang siya ay palabas sa kanyang tanggapan sa Lungsod ng Cotabato.
Ngunit hindi nagtagal ay nakilala ni Petisme ang isa sa mga salarin at natukoy niya na isa ito sa mga dumalo sa pagdinig ng kaso sa korte.
Binatikos naman ni Philip Sigfrid Fortun, ang abogado ng mga Ampatuan si Sangki ng kanyang sabihin sa CPJ na maaaring nagsinungaling si Sangki.
Hindi naman naging kasing palad ni Sangki ang saksing si Suwaib Upham, na mas nakilala sa pangalang “Jesse” dahil noong Hunyo ay napatay siya sa hindi malamang dahilan.
Bilang isang dating armadong tauhan ng mga Ampatuan na tumayong saksi sa kaso, ilang beses na idinitalye ni Upham sa mga panayam ng mga mamamahayag ang kanyang naging papel bilang isa sa mga bumaril sa mga biktima.
Sa kanyang mga pahayag sa Human Rights Watch, inakusahan din ni Upham ang mga Ampatuan na siyang nag-utos na patayin ang talong driver ng pamilya na posibleng maging saksi sa kaso.
Si Upham ay nasa proseso upang pumasok sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) ng siya ay paslangin.
Dahil dito, natuon ang pansin ng marami sa seguridad ng mga posibleng tumestigo sa kaso.
Binigyang diin din ni Roque ang usaping ito at hiniling na pataasin ang antas ng WPP ng bansa.
Inayunan din ito ng CPJ na nagpahayag ng paniniwala na lubhang mahalaga ang WPP dahil ang panig ng taga-usig ay halos nakadepende sa testimonya ng mga testigo, kaysa mga forensic evidence.
Sa kanyang pahayag sa CPJ, sinabi ni Raquel Del Rosario-Fortun na “much of the physical evidence at the crime scene, including the bodies, was contaminated by military officials who were the first responders.”
Si Rosario-Fortun ay isang pathology professor mula sa University of the Philippines na nagrebisa ng mga ebidensya.
Iginiit niya na ang mga pulis na nag-imbestiga sa pinangyarihan ng pamamaslang ay hindi nagsuot ng mga guwantes, at ilang bangkay ang ninakawan, bukod sa ang ulat ng otopsya sa mga bangkay ay inilarawan niyang “very superficial.”
“They relied on unscientific techniques to identify the bodies. It’s a weakness in the case the defense will likely pounce upon,” ani Rosario-Fortun.
Sinabi pa niya sa CPJ na hindi pa rin malinaw kung ang mga forensic evidence ay sinadyang kontaminahin o talagang walang kakayahan ang naghawak.