Na kusang dumulog sa Justice Department
Upang isiwalat… di lang ang “involment”
Ni Mayor Andal sa naturang “incident,”
Kundi pati na ang posible pang suspek
Na diumano’y mga pulis ang kasama
Ni Andal Ampatuan nang harangin nila
At pagbabarilin ang mga biktima,
Pati itong nagdaraang motorista.
At sila ay handa yatang tumestigo
Upang patunayan na si Andal mismo
Ang nakita nilang kasama ng grupo
Ng mga nanambang na pawang armado.
Pagkat sila’y nasa gawing likuran lang
Ng convoy na nakahilera sa daan;
At sila ay biglang tumalilis lamang
Pabalik sa lugar na pinanggalingan
Nang makaramdam daw ng matinding takot
Sa nakita, at nang biglang magpaputok
Itong sina Andal – kasabay ng utos
Na buksan ang kotse ng mga inambus!
At paano maipapaliwanag n’yan
Kung bakit ang “backhoe” ng Pamahalaang
Panlalawigan ay nasa lugar na yan,
Na siyang ginamit sa pinaglibingan
Ng mga pinaslang at pagbaon nila
Pati sa sasakyang ni hindi kasama
Sa convoy, kung ya’y di inihanda para
Sa planong pagpatay sa mga biktima?
(Pati na sa rin posibleng tumestigo
Kung kaya pati na inosenteng tao
Na napadaan lang sa lugar na ito
Ay idinamay sa pagpatay ng grupo.
Gaya nitong ayon sa napabalita
Ay papunta lang sa Shariff Aguak yata,
Pero hinarang at saka pinababa,
At pinagbabaril din ng walang awa.)
Kung saan ayon sa iba pang testigo,
Apat na araw nang naroon ang “backhoe”
Bago mangyari ang “massacre” na ito
Kung kaya posibleng planado ng husto.
Na di na maaring pasinungalingan
Ng kampo ni Mayor Andal Ampatuan
Ang nagdudumilat na katotohanang
Sila ang may gawa nitong pamamaslang
Pati na sa aming kawawang kapatid
Sa pamamahayag na ang tanging nais
Ay makapag-ulat at makapag-hatid
Sa bayan ng nagaganap sa paligid.
Tama na, sobra na, Mahal na Pangulo
Itong “media killings” at pang-aabuso
Pati na rin sa karapatang pang-tao,
Na gustong sikilin sa panahong ito.
At sana naman ay inyong madaliin
Ang pagresolba sa nakaririmarim
Na krimen, bunsod lang ng pagiging sakim
Sa kapangyarihan, nakakayang gawin.
Pagkat buong mundo itong nakamasid
Sa “heinous crime” na yan sa lahat ng saglit;
At kung saan tunay na napakasakit,
Ang mabansagang pinaka-mapanganib
Na lugar para sa sinumang Journalist
Itong Pilipinas, sa buong daigdig!
Upang isiwalat… di lang ang “involment”
Ni Mayor Andal sa naturang “incident,”
Kundi pati na ang posible pang suspek
Na diumano’y mga pulis ang kasama
Ni Andal Ampatuan nang harangin nila
At pagbabarilin ang mga biktima,
Pati itong nagdaraang motorista.
At sila ay handa yatang tumestigo
Upang patunayan na si Andal mismo
Ang nakita nilang kasama ng grupo
Ng mga nanambang na pawang armado.
Pagkat sila’y nasa gawing likuran lang
Ng convoy na nakahilera sa daan;
At sila ay biglang tumalilis lamang
Pabalik sa lugar na pinanggalingan
Nang makaramdam daw ng matinding takot
Sa nakita, at nang biglang magpaputok
Itong sina Andal – kasabay ng utos
Na buksan ang kotse ng mga inambus!
At paano maipapaliwanag n’yan
Kung bakit ang “backhoe” ng Pamahalaang
Panlalawigan ay nasa lugar na yan,
Na siyang ginamit sa pinaglibingan
Ng mga pinaslang at pagbaon nila
Pati sa sasakyang ni hindi kasama
Sa convoy, kung ya’y di inihanda para
Sa planong pagpatay sa mga biktima?
(Pati na sa rin posibleng tumestigo
Kung kaya pati na inosenteng tao
Na napadaan lang sa lugar na ito
Ay idinamay sa pagpatay ng grupo.
Gaya nitong ayon sa napabalita
Ay papunta lang sa Shariff Aguak yata,
Pero hinarang at saka pinababa,
At pinagbabaril din ng walang awa.)
Kung saan ayon sa iba pang testigo,
Apat na araw nang naroon ang “backhoe”
Bago mangyari ang “massacre” na ito
Kung kaya posibleng planado ng husto.
Na di na maaring pasinungalingan
Ng kampo ni Mayor Andal Ampatuan
Ang nagdudumilat na katotohanang
Sila ang may gawa nitong pamamaslang
Pati na sa aming kawawang kapatid
Sa pamamahayag na ang tanging nais
Ay makapag-ulat at makapag-hatid
Sa bayan ng nagaganap sa paligid.
Tama na, sobra na, Mahal na Pangulo
Itong “media killings” at pang-aabuso
Pati na rin sa karapatang pang-tao,
Na gustong sikilin sa panahong ito.
At sana naman ay inyong madaliin
Ang pagresolba sa nakaririmarim
Na krimen, bunsod lang ng pagiging sakim
Sa kapangyarihan, nakakayang gawin.
Pagkat buong mundo itong nakamasid
Sa “heinous crime” na yan sa lahat ng saglit;
At kung saan tunay na napakasakit,
Ang mabansagang pinaka-mapanganib
Na lugar para sa sinumang Journalist
Itong Pilipinas, sa buong daigdig!