Home Headlines Magtitinapay nagsoli ng P6,500 ayuda

Magtitinapay nagsoli ng P6,500 ayuda

1700
0
SHARE

Ang mukha ng katapatan: Nelson Gerrame. Larawan mula sa DSWD FO3



CABANATUAN CITY — Totoo namang nangangailangan sa buhay at karapat-dapat na tulungan si Nelson Geramme, residente ng Zone 1, Camp.
Tinio sa lungsod na ito.

Ngunit nitong Sabado ay iniulat ng Department of Social Welfare and Development na kusang-loob na isinauli ni Gerrame ang P6,500 na ayuda para sa mga higit na nangagailangan na apektado ng enhanced community quarantine.

Si Gerrame ay bagong rehistro pa lamang na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kung kayat wala pa siyang natatanggap na benipisyo mula rito.

“Kaya naman inakala niyang kasama pa siya sa LGU targets,” paliwanag ng ahensiya.

Nalaman lamang niya ito noong ipaliwanag ng isang DSWD staff, na inaayos na ng ahensya ang schedule ng kanilang payout.

Ayon sa DSWD, makikita naman ito sa kanilang system kapag isinagawa na ang cross-matching.

Ngunit pinuri pa rin ng ahensiya si Gerrame sa kusang-loob na pagsasauli ng pera upang mapunta raw sa iba pang higit na nangangailangan.

Masikap sa buhay, si Gerrame ay gumagawa ng tinapay sa maliit na espasyo ng kanyang bahay at inilalako ito para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Gayunman,kinailangan niyang tumigil pansamantala bilang pagsunod sa ECQ.

Siya ay isa sa humahabang talaan ng mga napasama sa cash assistance ng DSWD na nagbabalik ng natanggap na pera.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here