Samal, Bataan: Hinihiling sa pamahalaan ng isang grupo ng magsasaka sa Barangay Ibaba sa Samal, Bataan na sana’y mapagkalooban sila ng pension tulad ng sa Senior Citizen o Social Security System.
“Kung dumating na kami sa edad na hindi na namin kayang magsaka, mayroon kaming ipang susuporta sa aming personal na pangangailangan,” sabi ni Rene Bugay nitong Biyernes sa gitna ng kabukiran sa sityo Parang.
Wala siyang nakikitang dahilan sa pagpondo nito dahil ang Kongreso, aniya, ay kaya ngang magpondo ng malaking halaga para sa iba’t ibang ayuda ng gobyerno.
“Sana naman kami ring magsasaka pagsapit ng 60 taong gulang ay may buwanang pension din. Tuwiran ang aming galak at pasasalamat sapagka’t bata pa lang kami ay nandito sa kami sa bukid na nabibilad sa araw,” sabi ng magsasaka.
“Pisikal ang aming trabaho kaya mayroon din kaming mga nararamdaman na personal na sakit sa aming katawan dahil maaga pa lang basa na kami ng tubig dito sa bukid. ‘Yon sana ang aming hiling,” samo ni Bugay. (30)