Home Headlines Magsasaka hinikayat pataasin ang produksyon ng gatas

Magsasaka hinikayat pataasin ang produksyon ng gatas

1224
0
SHARE

(PCC mascot Kalaboy at Kalagirl na nakisali sa kasiyahan.)

GEN. NATIVIDAD, Nueva Ecija – Hinikayat ngayon ng Philippine Carabao Center ang mga magsasaka na pag-ibayuhin pa ang produksyon ng gatas lalo’t umaarangkada na ang implementasyon ng batas na magsusulong ng nutrisyon sa mga kabataang mag-aaral.

Binigyang-diin ni PCC executive director Dr. Arnel Del Barrio na nilagdaan na ni Pangulong Duterte noong June 2018 ang Republic Act 11037 o Masustansiyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act.

Paliwanag ni Del Barrio, ang bagong batas na ito ay lumilikha ng isang national feeding program para sa mga undernourished na kabataang Pilipino sa mga pampublikong paaralan.

Kaakibat nito ang mas mataas na pangangailangan sa gatas na pagkakataon naman upang lumikha ng kabuhayan saga dairy farmer o mga magsasakang nasa produksyon ng gatas ng kalabaw.

Ang mga impormasyong ito ay ibinahagi ni Del Barrio kaugnay ng selebrasyon ng ika-13 Gatas ng Kalabaw Festival na ginanap sa Gen. Natividad kaalinsabay ng ika-100 araw sa tungkulin ni Mayor Anita Arocena nitong Martes.

Ngayon pa lamang ay mayroon nang local market dahil nariryan na ang budget sa programa ngunit kulang ang supply ng gatas, sabi ng opisyal.

Dahil dito ay hiniling ni Del Barrio na hindi lamang doblihin kundi gawing triple ang produksyon ng gatas.

Layunin ng RA 11037 na tutugunan ang problema sa malnutrisyon ng mga kabataang edad 3 hanggang 12sa mga day-care center, kindergarten at elementarya.

Ang Department of Social Welfare and Development, mga lokal na pamahalaan at Department Education ang inatasang magpatupad nito sa pakikipag-ugnayan ng PCC, National Dairy Authority at Cooperative Development Authority.

Samantala, ang Gatas ng Kalabaw Festival ay pangunahing itinataguyod ng Department of Trade and Industry, PCC, LGU, at Small Medium Enterprise Development Council sa Nueva Ecija.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here