Home Headlines Magsasaka dagsa sa NFA para magbenta ng palay

Magsasaka dagsa sa NFA para magbenta ng palay

3535
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Sa gitna ng ipinaiiral na Rice Tariffication Law ay dagsa ang mga magsasakang nagbebenta ng palay sa National Food Authority sa Bulacan dahil wala na halos rice traders ang namimili ng palay sa bukirin.

Ayon kay Ed Camua, assistant provincial manager ng NFA Bulacan, dati ay nasa 10 farmers’ cooperative ang lumalapit sa kanila para magbenta ng palay ngunit ngayon ay umakyat na ang bilang nito sa 50 farmers’ cooperative.

Aniya, hindi lahat ng lumalapit ay mapagbibigyan dahil limitado lamang ang kanilang nakalaang pondo para sa pagbili ng palay.

Halos hindi naman natitinag ang kanilang mga stock na bigas sa bodega dahil naging mabagal ang bentahan ng NFA rice dahil sa dagsa ang imported rice sa merkado.

Tinatayang nasa 200,000 bags ng NFA rice ang naka- stock na nakakalat ngayon sa mga bodega sa San Miguel, San Ildefonso, Balagtas at Malolos.

Kapag ganito aniya ang sitwasyon ay magta-traffic na ang mga bigas at palay sa NFA dahil mula Enero hanggang Hunyo ay umabot sa 597,139 na kaban ng palay ang nabili na ng ahensiya at ang target nila ngayong darating na anihan ay aabot ng 295,700 kaban ng palay ang kanilang bibilin sa buong lalawigan.

Samantala, napag-alamanan din nila na huminto sa pamimili ng palay ang mga miller at negosyante sa intercity dahil sa dami ng dating ng imported rice sa bansa.

Hindi aniya kagandahan ang unang yugto ng implementasyon ng Rice Tariffi cation Law sapagkat masyadong bumaba ang halaga ng palay at kawawa na ang mga magsasaka.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here