Sa ulat ng pulisya nakilala sa pamamagitan ng kuha ng CCTV footage ang suspek na si Albert Pangilinan, 34, residente ng Purok 3, Barangay Calapacuan nang pasukin nito ang bahay ng isang American national na si Richard Witney, 79, at kabarangay ng suspek.
Narekober ng pulisya sa Barangay Calapandayan ang isang electric jig saw na ninakaw ng suspek at ibenta sa halagang P800.
Nakuha din sa loob ng cloth bag na pagmamayari ng suspek ang isang plastic sachet ng shabu at iba-ibang drug paraphernalia, kitchen knife, kaha ng sigarilyo, kwintas, sunglasses, cellphone at dalawang T-shirt na hinihinalang nakaw.
Ang suspek ay detinido sa Subic PNP detention cell at ipinagharap na ng kasong robbery at paglabag sa RA 9165.