LUNGSOD NG BALANGA, Bataan – Patay ang maglive-in matapos pagbabarilin habang sakay ang motorsiklo ng hindi pa kilala at alam na bilang ng mga suspek sa kahabaan ng Roman Superhighway sa barangay Alauli, Pilar, Bataan Lunes ng hapon.
Sinabi ni Senior Insp. Ronnie Fabia, Pilar police chief, na patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa ambush sa maglive-in na sina Armando Venegas, 38 at Dolores Landicho, 58, ng Sabatan, Orion, Bataan..
Nangyari umano ang pamamaril bandang 4:30 ng hapon habang pauwi ang dalawa sa Sitio Matig sa Sabatan mula sa Pangasinan matapos ipatawag ng ina ng lalaki.
May tama ng baril ang dalawa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Nakuha ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives ang 10 basyo ng hindi pa matiyak na kalibre ng baril.
Walang gustong magsalita sa mga taong malapit sa pinangyarihan ng pamamaslang. May ilang nagsabi na nakakarinig sila ng siyam na putok ng baril. Maraming usiserong dumating.
Nakabulagta ang dalawa malapit sa kanilang motorsiklo sa tabi ng superhighway sa kabila ng steel railing malapit sa lupang sakahan. May tama ng baril ang nasabing railing.
Iisa ang pahayag ng naghahagulgulang mga kapatid at anak ng mga biktima: na wala silang alam na kagalit ang dalawa.