Maglive-in huli sa droga

    335
    0
    SHARE
    BALANGA CITY, Bataan – Isang itinuturing na nasa top list ng wanted sa drug pushing dito pati na ang kanyang kinakasama ang bumagsak sa kamay ng pulisya sa isang buy-bust operation sa barangay Upper Tuyo, Balanga City Lunes ng hapon.

    Kinilala ni PO2 Omar Cuyugan, Balanga City police crime registrar, ang mga suspek na si Alvin Banzon, 32, ng barangay Wawa, Abucay, Bataan at ka-live-in nitong si Joy Ann Gueco, 22, ng Pilar, Bataan.

    “Ang lalaki ay nasa top list ng mga wanted sa drug pushing sa Balanga,” ani Cuyugan.

    Aniya, nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

    Nakumpiska diumano sa dalawa ang dalawang small heat-sealed plastic sachet ng pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride o shabu, dalawang P500-marked money at ilang pirasong aluminum foil.

    Ipinagpipilitan ng lalaki na hindi sa kanila ang shabu.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here