Home Headlines Magkapatid patay sa buy-bust

Magkapatid patay sa buy-bust

856
0
SHARE

Ang napatay na mga suspek habang pinoproseso ng SOCO ang crime scene. Kuha ni Rommel Ramos


LUNGSOD NG MEYCAUYAN — Patay ang magkapatid na umanoy mga drug suspects sa ginawang sa buy-bust operation bandang alas-3 ng madaling araw nitong July 16.

Nakilala ang mga napatay na sina Jonathan at Nasruden Nawal kapwa nasa drug watchlist at residente ng Barangay Perez.

Ayon kay Meycauayan City chief of police Lt. Col.Bernard Pagaduan, sa harap ng isang gasolinahan naikasa ang lugar para sa transaksyon ngunit agad na pinaputukan ng isa sa mga suspek ang poseurbuyer na mapalad na hindi tinamaan.

Agad na tumakas ang namaril na suspek lulan ng van na minamaneho ng kapatid nito na nauwi sa habulan at palitan ng putok hanggang masukol ang dalawa may 500-metro ang layo mula sa gasolinahan hanggang mapatay ang mga ito.

Ayon kay Pagaduan, notorious ang dalawa na tinuturong source ng droga sa lugar mula pa noong 2016.

Narecover ng SOCO ang ilang sachet ng shabu, isang .9mm at isang .38 na mga baril, at mga basyo ng mga bala sa crime scene.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here