Home Headlines Magkapatid, menor de edad tiklo sa hazing

Magkapatid, menor de edad tiklo sa hazing

996
0
SHARE

IBA, Zambales — Dinakip ng mga tauhan ng Zambales police ang dalawang magkapatid at isa pang menor de edad sa kasong paglabag sa RA 8049 (Anti-Hazing Law) sa bayan ng Masinloc nitong Biyernes.

Sa ulat na ipinadala ni Major Johnathan C. Bardaje, hepe ng Masinloc police, kay Zambales police director Col. Fitz A. Macariola, kinilala ang magkapatid na suspek na sina Judy Ednalan Pamugas, 23, at Ariel Ednalan Pamugas, 22, pawang residente ng Barangay Collat, Masinloc.

Kabilang pa sa nasilbihan ng warrant of arrest ang isang 16-anyos na lalaki na kasama sa hazing.

Ang mga suspek ay dinakip ng mga tauhan ng Masinloc MPS, kasama ang 1st Provincial Mobile Force Company, provincial intelligence unit, CIDG-Zambales at 305th Regional Mobile Force Battalion-3 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Maribel F Mariano Beltran ng RTC Branch 13-FC, Iba, Zambales sa kasong hazing ng walang nirekomendang piyansa.

Ayon sa ulat, nag-ugat ang naturang kaso sa reklamo ng isang 17-anyos na lalaki noong Oct. 6, 2021 na kanilang nahikayat na mag-miyembro sa Troops Battalion Miserable-14, isa umanong hindi lehitimong Samahan, kung saan nakaranas ng pisikal na pananakit sa pamamagitan ng pagpalo sa katawan na di-umano ay kasama sa isinasagawang ritwal.

Ang magkapatid ay detenido sa Masinloc MPS, samantalang ang 17-anyos na lalaking biktima ay nasa pangangalaga ng kanyang mga magulang habang ang 16 na lalaking suspek ay nasa pangangalaga ng municipal social worker ng Masinloc.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here