Ng kung anong ‘natural process’ na dulot
Nitong carbon dioxide na ‘gumagamot’
Sa maruming hangin, bago pa masinghot;
Nitong mga anak nating walang malay
Na namimiligro pati kalusugan,
Sa patuloy na pagkitil araw-araw
Ng mga kriminal nitong kalikasan,
Sa likas na yamang marapat po nating
Pangalagaan at dapat pagyamanin;
Pero haya’t’ito’y ni walang pangiming
Pinagpapatay lang ng mga salarin!
Gaya ng Kalihim nitong DENR,
Na protektor mandin ng kapaligiran,
Kung saan tunay na mang kabaligtaran
Ng ‘advocacy’ ng hawak na tanggapan;
Ang naging papel niya sa isyung naturan,
Pagkat imbes maging tagapagtanggol yan
Ng likas na yaman at kapaligiran,
Ay s’ya pa mandin ang humatol ng bitay!
At tagapag-hasik sa ‘ting lalawigan
Ng lagim laban kay Inang Kalikasan;
Kaya’t marapat lang siguro, kabayan
Na ang taong ito’y ating ipatanggal!
Pagkat hangga’t si Atienza ang kalihim
Ng DENR ay di lamang marahil,
Mga akasya ang kanyang "papatayin"
Kundi pati na ang malinis na hangin!
At kung saan di lang dito sa Pampanga
Posibleng maghasik itong si Atienza
Ng kahalintulad nang pagsira niya
Sa kapaligiran kung di pa natin siya
Pagkaka-isahing ipasipa kay Mam
Bilang Secretary nitong DENR,
Na dapat ay maging Ambassador bilang
Ng ‘goodwill’ para sa marapat paglinang
Sa likas na yaman at kapaligiran,
Na binigay sa ‘tin ng Poong Maykapal
Pero ano’t siya pa bale ang kriminal
Ng naturalesa sa puntong naturan?
Na ngayon ay unti-unting nalalason
Dala ng maraming mga makabagong
Kagamitang ginagamitan ng Freon
Na sumisira sa tawag nila’y Ozone;
Na kung saan ang pagkakalatag n’yan
Ay ito rin mismo sa kaitaasan
Ang pananggalang sa direktang sikat d’yan
Nitong Haring Araw sa Sandaigdigan!
Kaya habang may buhay pang natitira
Sa mga punong yan, kabayan tayo na
At ating hilingin kay Pangulong Gloria
Ang madaliang pagsipa kay Atienza!
(At marapat lang na ating ideklara
Na yang si Atienza’y ‘Persona Non Grata;’
Partikular na dito sa Kabisera
Ng Pampanga bilang protesta sa kanya!)
Liban sa ‘oxygen’ na idinudulot