Magalang-Pandan Road

    432
    0
    SHARE

    DI NA MAGTATAGAL, maiibsan na rin
    Ang matinding trapik na matagal na ring
    Sakit ng ulo r’yan ng nakararaming
    Mga motoristang nagdaraan sa’ting
    Magalang-Pandan Road, na ngayo’y on-going
    Na ang planong dito gagawing ‘widening’

    Ng Angeles city upang malunasan
    Itong ‘heavy traffi c’ na nagpapabagal
    Sa daloy pati na nitong araw-araw
    Na pagbiahe nitong dito nagdaraan;
    Kasama na pati riyan ng kalakalan,
    Pasok sa iskwela at mga tanggapan;

    (Partikular itong arawan ang suweldo
    Sa pinapasukan nila o trabaho,
    Na maatraso lang ng ilang minuto
    Ay kinakaltasan na ng kanyang amo;
    Subali’t sumobra man ang oras nito
    Sa pagawa, walang bigay pakunsuelo.)

    Kaya ngayong itong nasabing kalsada
    Na talaga namang napakasikip na
    Para sa lahat ng mga motorista
    Ay tinutukan na ating ‘world class’ na
    City mayor nitong Angeles, Pampanga
    Upang maipagawa yan ay gagaang na

    At di lamang itong sa naturang lungsod
    Bumabagtas dito araw-araw halos
    Ang mabibiyaan kapagka’ natapos,
    Kundi pati na ang galing sa ibang pook;
    Kasama na riyan ang parte ng Malolos,
    At iba pang pamayanan sa dakong North

    Na may lakad dito at sila’y magawi
    Sa lugar na ito na ma-trapik dati;
    Sapagkat kung noon ay napapangiwi
    Itong iba kapag naantala uli,
    Ang kapalit tiyak matamis na ngiti
    Kapag ang kalsadang ya’y ganap ng yari.

    Kung saan nang dahil kay Mayor Pamintuan
    Ng naturang lungsod nag-materialized yan,
    Sa tulong na rin ng departamento riyan
    Ng gawaing bayan at ibang opisyal;
    Sila’y marapat lang nating palakpakan
    Sa pagtugon nila sa daing ng bayan.

    At bagaman medyo matindi ang gastos
    Na kaakibat ng pag-demolish halos
    At pagtapyas pati sa mapapaloob
    Sa kailangang sukat na dapat masakop
    Ng ‘widening’ nitong Magalang-Pandan Road,
    Yan ay pipilitin pa ring mapatapos.

    Kahima’t posibleng matagalan bago
    Maisakatuparan ang naturang plano,
    Dala na rin nitong mabusising piho
    Ang mga gagawing legal na proseso;
    Kasama na r’yan ang ‘demolition’ mismo
    Ng mga bahay na tatamaan dito;

    Bunsod na rin nitong ang tatamaan tiyak
    Ng ‘road expansion’ ay di kaagad-agad
    Papayag basta sa gagawing pagtapyas,
    Sa anumang istraktura o propriyedad
    Ng mga yan kahit ang naturang siyudad
    Ay may prosopuesto na ipambabayad.

    Pero ganun pa man ay inaasahan
    Ng punong lungsod na masosolusyonan
    Ang anumang bagay na magiging hadlang
    Sa maka-Diyos at makataong pamaraan;
    Pagkat ang intensyon lang naman ni EdPam
    Ay pag-asenso ng buong pamayanan!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here