Mag-‘smut-free’ dapat upang sa tukso’y maka-iwas

    471
    0
    SHARE
    Kung isang libo ang noon ay ‘death convict’
    Na nakaligtas sa bitay sa bilibid,
    Sa kaalaman ng nais makabatid,
    Mahigit limang daan sa kanila – ‘rapists’

    At sa natitirang bilang na nasabi
    Na ‘murder’ ang iba at ‘kidnapping’ pati,
    ‘Drug related’ naman at saka ‘robbery’
    Ang sumusunod sa pinakamatindi.

    Pero ang higit ngang pinakatalamak
    Sa mga nasabing krimen sa itaas
    Ay ang ‘rape with slay’ na ngayo’y laganap
    Na naging grabe na at walang patawad

    At batay na rin sa sariling ‘confession’
    Nitong nakatakda nang bitayin noon
    Kung may marapat na sisihin sa gayon
    Ay ang kaluwagan sa nakalalason.

    Ayon na rin mismo kay Pablito Andan
    Na nagpahayag ng ganitong dahilan;
    Grabeng kalaswaang nagkalat sa daan
    Ang naging lason sa kanyang katinuhan

    At nagtulak upang ito’y kanyang gawin
    Upang ang biktima’y kanyang gahasain
    (At ya’y bunsod lang ng bombang babasahin
    Na nabasa nito bago niya halayin)

    Tama ba si Andan sa naging pahayag
    Na ang pornograpiya ay lason sa utak?
    Yan ay malinaw na pag-amin at suikat
    Na ang kalaswaa’y sadyang makamandag!

    Pgkabanal-banal man ng isang tao
    May tendensyang ito’y saniban ng tukso
    Pagdating sa puntong kadalasa’y porno
    Ang nakikita niya’t nababasa mismo

    Mga pelikulang ‘bomba’ kung tawagin
    Ya’y di marapat na ating tangkilikin;
    Pati na rin itong ibang babasahin
    Na may malalaswang mga lathalain.

    Ano pa mang bagay na nakasisira
    Maiiwasan yan sa paraang tama
    At tunay naman ding ating magagawa
    Kapag nagka-ugnay sa iisang diwa

    Marapat lamang na ang mga ‘publishers’
    Ng mga ‘magazines’ o kaya ‘newspapers’
    Ay magkaisa nang maging ‘smut-free first’
    Sa pag-ayaw nitong ika nga’y ‘x-rated’

    Sa dahilang hangga’t may naglalathala
    Nitong babasahing mga malalaswa
    Ang nilalaman imbes pagbabalita,
    Yan ay mahirap na nating masawata.

    Idagdag pa natin itong ‘illegal drug’
    Na isang mabisang panglason sa utak,
    Anong ibibigay na magandang bukas
    Ng mga yan para sa ‘ting mga anak?

    Liban sa kawalan pa ng malasakit
    Ng gobyerno at ng ating ‘court of justice’
    Na mapanatiling ang nasa matuwid
    Itong mangibabaw sa lahat ng saglit

    Saan na hahantong itong ating bansa
    Kundi sa posibleng pagkapariwara
    Sa kamay ng ilang mapagsamantala, 
    Kung tikom ang bibig natin sa masama?

    At tayo’y takot magsabi ng totoo
    Laban kaninuman sa gawang di wasto?
    Partikular na riyan sa nasa gobyerno
    Na siyang marapat na magbantay ng husto!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here