IBA, Zambales – Dinakip ng jail guard ang isang preso at ang live-in partner nang maaktuhan itong nagpa-pot session sa loob ng comfort room sa Zambales Provincial Jail.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Zambales Police Provincial Office (ZPPO) director, Senior Supt. Francisco Santiago, Jr., kinilala ang mga suspek na sina Dario Tapado, 43, at live-in partner na si Yolanda Santos, 30, pawang mga residente ng Barangay Collat, Masinloc, Zambales.
Ayon sa ulat, si Santos ay dumalaw kay Tapado at habang nasa kasarapan ng dalaw ay sinamantala ng mga ito na suminghot ng shabu, subalit naaktuhan ito ng jail guard na si Mark Lester Guntang nang makitang may usok na lumalabas sa bintana ng comfort room.
Ang mga suspek ay ipinagharap na ng kasong paglabag sa itinatadhana ng RA 9165.