“Nagagalit din!” ani Jodi. “Kasi nga, noong unang ialok sa akin ang role ni Amor Powers, nag-isip-isip ako. It was a role, like a big shoe that is hard to fill. Akala ko, hindi ko kakayahin.
“Almost two years akong gumanap na good girl sa “Be Careful With My Heart.” Wala ako sa comfort zone ko. Pero, ano’ng magagawa ko, kung gusto ng ABSCBN na ako ang gusto nilang mag-portray ng Amor role?
“Iniisip ko rin na yung ibang aktres nga ay hangang-hanga kay Eula Valdez nang gampanan ang role na iyon, ako pa ba naman ang mag-i-inarte?
“Yung akin ay dapat lang na magpasalamat ako. Nagtitiwala sila sa akin. Kung wala akong tiwala sa sarili ko, dapat lang na ngayon ko na patunayan.”
Kaya, dapat na ring humanda si Angelica. Mahirap galitin ang tahimik. Baka matagpuan niya (Angelica) ang sarili na parang balat sa tinalupan.