Mag-biyanan, huli sa pagtutulak ng droga sa Zambales

    363
    0
    SHARE
    SUBIC, Zambales – Nahulog sa bitag ng mga tauhan ng Subic police ang mag-biyanan na nagbebenta ng droga sa isinagawang anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa barangay Calapacuan sa bayang ito noong Sabado ng hapon.

    Kinilala ni Chief Inspector Arnel Dial ag mga suspek na sina Raymark Crystal, 21, at ang biyanan nitong si Florencio Aceron, 56, pawang mga residente ng Sitio Tahimik, barangay Calapacuan.

    Ang mga suspek ay huli sa aktong nagbebenta ng sachet ng shabu sa isang police poseur buyer sa halagang P500.00.

    Narekober din sa pag-iingat ng mga suspek ang isa pang plastic sachet ng shabu, marked money at ibat-ibang drug paraphernalias.

    Kasong paglabag sa Section 5, Article ll ng RA 9165 (drug pushing) ang kinakaharap ng mga suspek habang ang mga ito ay detinido sa Subic PNP Jail.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here