Home Headlines Mag-asawang kampeon sa SEAG kinilala

Mag-asawang kampeon sa SEAG kinilala

1140
0
SHARE

Ang mag-asawang Paul at Rachelle dela Cruz kasama ang kanilang mga anak at si Mayor Nerivi Santos-Martinez (kaliwa). Kuha ni Armand Galang

TALAVERA, Nueva Ecija -Ginawaran ng pagkilala ng pamahalaang bayan ang mag-asawa na nag-uwi ng medalyang ginto sa katatapos na Southeast Asian Games.

Personal na iniabot ni Mayor Nerivi Santos-Martinez ang katibayan ng pagkilala at cash reward kina Paul Dela Cruz at maybahay nito na si Rachelle.

Bilang residente ng Talavera, si Dela Cruz ay nagtapos ng sekundarya sa Talavera National High School kung saan siya nagsimula ng karera sa archery noong 2002.

Taong 2003 nang una silang sumabak sa Palarong Pambansa.

Sa paglalaro ng archery na rin niya nakilala hanggang maka- isang dibdib si Rachelle.

Aminado ang mag-asawa na hindi biro ang tensyon sa SEAG lalo nang hindi makasungkit ng ginto ang kanilang mga kasama.

Nagawa nilag iwaksi ang kaba bunga ng sapat na karanasan sa kumpetisyon.

“Isinantabi naming yung kaba kasi iyon po talaga yung pinakahuli-huling pag-asa na kailangan naman po may ginto yung archery,” sabi ni Rachelle Anim sana ang inaasinta nilang ginto mula sa pagtudla ngunit nauwi sa hangin.

“Kaya talagang ipinagdasal namin, ito na ang kahuli-hulihan, samin yung pag-asa sana Lord ibigay niyo sa Pilipinss,” saad pa niya.

Todo pasalamat sila sa pamahalaang lokal ng Talavera para sa pagkilala.

Ibinahagi rin nila ang karanasan sa dalawang taon ng pagsasanay para sa SEAG gayong mayroon silang dalawang anak.

“Napakalaking karangalan ang ibinigay nila sa mga taga- Talavera at sa buong bansa. Bibihira ang ganyan kahuhusay na mga atleta,” pahayag ni Martinez.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here