Mag-asawang Alvarado kapwa unopposed

    386
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS—Kinumpirma ng Commission on Elections noong Biyernes, Marso 22 na diniskwalipika ng Comelec en banc ang katunggali ni Kinatawan Marivic Alvarado sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Bulacan.

    Ito ay nangangahulugan na katulad ng kanyang asawa na si Gob. Wilhelmino Alvarado,opisyal na ring walang kalaban si Kint. Marivic.

    Ayon kay Abogado Elmo Duque, provincial election supervisor sa Bulacan, naglabas ng isang resolution ang Comelec en banc noong Pebrero 19 kung saan ay diniskwalipika si Sahiron Dulah Salim, isang retiradong opisyal ng pulisya.

    Si Salim ay nagsumite ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) noong Oktubre bilang indipendienteng kandidato sa pagka-kongresista ng unang distrito kung saan ay kanyang katunggali si Kint Marivic.

    Ngunit matapos lamang ang ilang araw, nagsumite ng petisyon sa Comelec si Kint. Marivic na humihiling na madiskwalipika ang retiradong pulis.

    Batay sa pagsusuri ng Conelec en banc, sinabi ni Duque na si Salim ay idineklara bilang isang nuisance candidate.

    Ito ay dahil sa pagkandidato ni Salim sa ibat-ibang posisyon sa ibat-ibang lugar mula noong 2009.

    Batay sa tala ng Comelec, si Salim ay nagsumite ng kanyang CoC sa pagka-gobernador ng lalawigan ng Sulu para sa halalan noong 2010.

    Sa nasabing halalan ay natalo si Salim matapos makaipon ng pinakamababang bilang ng boto sa hanay ng mga kandidatong gobernandor.

    Ayon pa kay Duque nagsumite rin si Salim ng CoC noong pina-uusapan pa ang pagsasagawa ng halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) noong 2010.

    “Halos taon-taon ay nagpa-file siya ng candidacy sa ibat-ibang lugar,” ani Duque at sinabing ang pinakahuli ay sa Bulacan nitong Oktubre.

    Ayon sa abogado, ang pagpag-file ni Salim ng kandidatura sa ibat-ibang lugar para sa ibat-ibang posisyon ay nangangahulugan na hindi ito seryosong kandidato.

    Kaugnay nito, sinabi ni Duque na kahit nadiskwalipika naq si Salim ay mababasa pa rin sa balota ang kanyang pangalan sa pagsasagawa ng halalan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here