Naaresto naman ng mga pulis ang mag-ama na nakilalang sina Leopoldo De Jesus at Leonald, tiyo at pinsan, ayon sa pagkakasunod, ng biktima na si Ma. Pauline dela Cruz, residente ng nabanggit na barangay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas ng bahay para mag-jogging ang biktima nitong Martes ng madaling araw subalit natagpuan itong duguan, walang saplot pang-ibaba at nakahandusay sa damuhan bandang ika-7 ng umaga.
Ayon kay Chief Insp. Joel Dela Cruz, hepe ng Jaen police station, naaresto ang mga suspek sa aktong tinatabunan ng buhangin ang maraming dugo sa kanilang bakuran kung saan hinihinalang naganap ang pamamaslang.
Nakakuha rin ang mga imbestigador ng scene of the crime operatives (SOCO) ng isang hikaw na pag-aari ng biktima sa mismong lugar na tinatabunan ng mag-ama.
Ani Dela Cruz, natukoy ang bakuran ng mga suspek dahil sa mga patak ng dugo sa kalsada kung saan posibleng idinaan ang bangkay habang umano’y isinakay sa single na motorsiklo.
Sa ngayon, ayon sa hepe ng pulisya, ay kasong murder pa lamang ang kanilang isinampa laban sa mag-ama subalit maaari itong amyendahan sakaling lumabas samedico legal examination na positibong ginahasa ang dalaga bago pinaslang.
Itinatanggi ng mga suspek ang akusasyon.