NGAYONG nagsalita na at ibinulgar
na nitong Federal Government ng bansang
China, na itong ‘Communist Party’ riyan
ang responsable sa naganap sa Wuhan
Na idinitalye nitong ‘spoke person’
ng China Federal Government, na itong
‘Chinese Communist Party’ ang author
ng pangdaigdigang pandemya sa ngayon.
Kung saan ang buong mundo itong unang
target na masakop sa pamamagitan
ng ‘dirty tricks’ nito, at isa na nga r’yan
ang Pilipins sa grabeng tinamaan.
Kasama pati na ang iba pang bansa,
na gaya ng U.S. maliban lang yata
sa Israel, na kung saan ay bahagya
lang din ang umano tinamong pinsala.
At ‘corona virus,’ aka Covid-19
ang sa maitim na balak itong sa’tin
‘by means of its virus’ makayang durugin
ang lahat ng atin kung kanyang naisin.
Ito ang tunay na pakay ng ‘Communist
Party’ na masakop ang buong daigdig
sa pamamagitan imbensyong nais
na mapalaganap n’yan nang walang himik.
Dangan nga lang sanhi ng di akalain
nang aywan kung ito ay maituturing
na aksidente ay Wuhan itong grabeng
unang tinamaan ng masamang hangin.
Na sila rin naman itong may pakana
ng ‘biochemical’ na nakapatay nga
sa di lamang libo na kanilang kapwa
Chinese – ang kalbaryo diyan nagsimula.
At gumapang na ang ‘virus’ na ginawang
armas na tinangkang itago sa tanan,
na nagresulta sa bilyon na ang bilang
ng sinamang-palad d’yan na nangamatay.
Mapagsamantala itong bansang China
at masydong tuso kaya pati sila,
damay sa ‘virus’ na inimbento nila
nang basta sumabog nang di sinasadya?
Sa pangyayaring ‘yan di ba’t marapat lang
na ihabla natin sa ‘International
Court’ ang bansang China ng kasong kriminal
at ng kasong civil sa dapat bayaran.
Na mga ‘damages’ para mapanagot
sa lahat ng bagay at pinsalang dulot
ng ‘biochemical,’ na armas na bulok
nitong sobra na r’yan ang panghihimasok.
At itong ‘Federal Government’ ng ibang
paksyon ng China ang ating kasangga riyan
laban sa‘Communist Party’ sa puntong yan,
na napabalita ang mismong kaaway?
Sana ang hinggil sa Covid-19 nila
ay siya na rin itong virus na humusga
sa katusuhan n’yan at pagiging linta
upang lahat na ay mapanatag na.
At imbes ‘vaccine’ ang patuloy gamitin,
na taglay ng ibang di nakagagaling,
partkular na r’yan ang sa China galing,
ang ipalit d’yan ay itong ‘Ivermectin’.