Home Headlines Madaliang pag-ani ng palay bago ang hagupit ng bagyo

Madaliang pag-ani ng palay bago ang hagupit ng bagyo

1666
0
SHARE

Madalian ang naging pag-ani ng mga magsasaka na ito upang may mapakinabangan pa kahit papaano bago pa man salantahin ng bagyong Ulysses. Kuha ni Rommel Ramos


BALIWAG, Bulacan — Nagmamadaling ginapas ng mga magsasaka sa Barangay Sta. Barbara ang mga tanim nilang palay bago pa ito salantahin ng bagyong Ulysses.

Ang dalawang ektaryang palayan na sinasaka ni Danilo Timbang ay madalian ang pag-ani kanina upang may maisalba pa dahil una na itong sinalanta ng mga bagyong Rolly, Quinta, at Pepito. 

Ani Timbang, bagamat sa susunod na buwan pa sana ang anihan ng kanilang palay ay pilit na nila itong inani upang may pakinabangan pa kahit papaano.

Ang inaasahan sana na aning 100 kaban ng palay kada ektarya ay aabot na lang ngayon sa 15 hanggang 20 kaban na palay kada ektarya ang mapapakinabangan.

Nasa 90 porsiyento na ng kanilang kita ang tuluyan nang nalusaw dahil sa mga bagyuhan.

Kasunod ng pagkalugi ay umaasa silang matutulungan ng gobyerno para muling may ipuhunan sa susunod na taniman lalo na at utang lamang daw ang kanilang pinupuhunan sa pagsasaka.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here