OLONGAPO CITY – Winakasan ng isang macho dancer ang kanyang buhay nang ito ay magbigti sa kuwartong inuupahan sa Batangay Pag-Asa sa lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Mike Quiting, 22, macho dancer ng King Cobra Bar na matatagpuan sa New Asinan, Gordon Avenue, Olongapo City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang pagpapatiwakal, sinabihan ng girlfriend ng biktima na si Lanie Aguillon, 33, na “cool off” muna sila sa kanilang relasyon.
Hindi umano ito matanggap ng biktima kung kaya ito nagpakamatay.
Ayon pa kay Aguillon, palagi umanong sinasaktan ng biktima ang kanyang sarili sa tuwing nagkakaroon sila ng tampuhan.