Home Headlines Macaiban Bridge hindi madaanan dahil sa baha

Macaiban Bridge hindi madaanan dahil sa baha

460
0
SHARE
Nagmistulang dagat at halos hindi na makita ang ibabaw ng Macaiban Bridge dahil sa baha. Kuha ni Rommel Ramos

STA. MARIA, Bulacan — Hindi madaanan ng mga motorista ang Macaiban Bridge na nag-uugnay sa Barangay San Jose Patag at Barangay Tumana dahil sa malakas na agos ng lagpas tuhod na tubig.

Malakas ang agos ng tubig na sinasabing nagmula sa bahagi ng bayan ng Norzagaray at San Jose del Monte City.

Ayon sa tanod ng San Jose Patag na si Arnold Sobrepeña, bandang alas-8 kagabi nang magsimulang maramdaman ng pagtaas ng tubig sa lugar.

Inaasahan na tatagal pa ito ng maghapon depende kung humupa na ang buhos ng ulan sa kabundukan ng Bulacan.

Naroon daw sila para magbantay dahil sa peligro na may malunod dito. May mga residente daw kasi na matitigas ang ulo na pinipilit pa rin na makatawid kahit lubog na sa tubig ang tulay.

Naglagay na rin sila ng babala bago sumapit ang tulay na hindi na ito maaaring madaanan sa ngayon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here