Mabuhay inihalintulad kay David laban kay Goliath

    470
    0
    SHARE
    MARILAO – “Hindi pwede ang pweda na.”

    Ito ang isa sa mga naging mensahe ni Jose Pavia na nanguna sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng pahayagang Mabuhay noong Miyerkules, Enero 20 sa SM City Marilao.

    Si Pavia ang tagapaglathala ng pahayagan sa Bulacan na umani ng iba’t ibang mga parangal mula sa Philippine Press Institute.

    Sinabi ni Pavia na ang pagdi-dyaryo ay isang pagpupursige sa pagpapakainam.

    “Maliit lamang ang Mabuhay, subalit tulad ni David, kung ang iyong dala-dala ay katotohanan, kayang kaya mong supilin ang mga Goliaths of lies at Goliaths of unfaithfulness,” ani Pavia.

    Dapat aniyang isama sa pagbabalita ang boses at hinaing ng mga ordinaryong mga tao at iba pang miyembro ng lipunan “sapagkat nandoon malapit ang katotohanan.”

    Madalas aniya ay mga otoridad ang source ng mga istorya at hindi kasama ang mga taong tunay na nakakaalam ng katotohanan.

    Kilala bilang isa sa mga batikang mamamahayag at editor, sinabi rin ni Pavia na dapat tandaan ang “ABCs of journalism”.

    Aniya, ang “A” ay para sa accuracy. “Dapat sakto at hindi kulang.” Balanced naman ang “B” o balanseng pagbabalita. Ang “C” ay context o konteksto; “D” para sa detachment; ang “E” naman ay excellence o pagpapakainam at ang “F” ay fairness o patas na pagbabalita.

    “We as journalists have an obligation to our readers. Isama natin sila sa ating mga pagbabalita” ani Pavia, na binigyang diin ang kahalagahan ng civic journalism.

    Naging tampok ang: “Voter’s education: Maayos, mapayapa at malinis na eleksyon sa 2010" sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng Mabuhay. 


    Dinaluhan din ito ni Toots Ople, anak ng yumaong Blas Ople, na ngayon ay tumatakbo sa pagka-senador. (basahin ang kaugnay na balita)


    Kasama din sa mga dumalo ay mga mamamahayag kasama ang Punto, mga pulitiko, negosyate, lider ng mga magsasaka, at mga Mass Communication students sa Bulacan.

    Dumating din ang running priest na si Robert Reyes na siyang nanguna sa pagdadasal.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here