Mabilis na taniman ng palay, ginagawa na

    397
    0
    SHARE
    CABANATUAN CITY – Libu-libong magsasaka sa Nueva Ecija ang nagsasagawa na ng quick turn around (QTA), ang sistema ng pagtatanim ng palay na isinusulong ng mga iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, partikular ng Department of Agriculture (DA), upang lubos na pakinabanagan ang pagkabasa ng lupa.

    Sa ulat ng National Irrigation Administration-Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS), umaabot na sa 21,012 na ektarya ng lupain sa lalawigan ang natatamnan ng palay sa ilalim ng QTA.

    Ayon kay Engr. Antonio Nangel, NIA-UPRIIS operations manager, batay sa tala ay umaabot na sa 100.06 percent ang farming activity sa naturang mga lugar.

    Ayon sa programa, ang mga QTA sa Nueva Ecija ay kinabibilangan ng 4,000 ektarya sa Unang Distrito; Ikalawang Distrito, 5,000 ektarya; ikatlong Distrito, 2,000 ektarya at ikaapat na Distrito, 10,000.

    Sa ilalim ng QTA, paliwanag ni Nagel, mas magiging produktibo ang lupain at nalulubos ang gamit sa tubig dahil agad na sinasaka ang lupain pagkatapos ng anihan. Dahil dito ay nagiging tatlong beses kada taon ang produksiyon ng lupa.

    Samantala, umaabot sa 81,787 ektarya ang nakaprograma ngayong dayatan o dry season para sa pagpapatubig. Mula ito sa kabuuang 106,922 ektaryang service area ng NIA-UPRIIS
    Ang programa ng patubig ay para sa Unang Distrito, 16,180 ektarya; ikalawang Distrito,17,400; Ikatlong Distrito, 22,677; Ikaapat na Distrito, 9,724 at 15,806 ektarya naman sa Ikalimang Distrito.

    Hanggang kahapon, ang water level sa Pantabangan Dam ay 202.95 meters at nagpapadaloy ang NIA-UPRIIS sa rate na 125 cubic per second, ayon kay Maridenese Cudia, NIA-UPRIIS information officer.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here