Home Headlines Mababang supply: Presyo ng karneng baboy tumaas

Mababang supply: Presyo ng karneng baboy tumaas

1738
0
SHARE

Bilihan ng karne ng baboy sa palengke. Kuha ni Rommel Ramos


LUNGSOD NG MALOLOS — Tumaas ang presyo ng baboy mula sa farm gate hanggang sa palengke dahil sa mababang supply nito sa kasalukuyan.

Batay sa price list ng pork producers sa Central Luzon noong April 26 ang halaga kada kilo ng baboy sa farm gate ay naglalaro mula sa P100 hanggang P115 at umakyat nitong May 19 mula P120 hanggang P140 kada kilo.

Ayon sa pork producers, mababa ang supply ng baboy ngayon dahil sa kumaunti na ay maliliit pa ang mga baboy sa mga farm.

Nang tumama daw kasi ang African swine fever sa bansa ay maraming hog farm operators ang hindi na nagsipag-breed at umiwas na tamaan ang mga alaga ng naturang sakit.

Sa pamilihang bayan nga ng Malolos ay nasa P200 hanggang P240 ang benta ng kada kilo ng karne ng baboy sa kasalukuyan, depende kung anong parte ito ng baboy.

Ayon kay Joey Taduran, tindero ng baboy sa palengke, kakaunti ang supply ng baboy sa ngayon at pahirapan pa ang pagkuha ng mga buhay na baboy.

Ang dahilan anila ay ang pagkaunti ng mga nag-aalaga ng baboy bunsod ng pagkakasakit ng ASF nitong nakaraang taon.

Bago pa man aniya na maglockdown dahil sa Covid-19 ay nagsimula nang tumaas ang presyo ng karneng baboy na dati ay nasa P180 lang ang halaga ng kada kilo ng karne.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here