Lumang bags at sapatos ni Angel Locsin ibebenta para sa mga binaha

    400
    0
    SHARE
    Sabihin mang used bags and shoes at ibang item ang isusubasta ni Angel Locsin upang makailak ng pondo para sa mga sinalanta ng bagyo, pero malaking halaga pa rin ang malilikom dito ni Angel Locsin.

    Ang Shop and Share project ni Angel, kung saan ang mga designer item ay ibebenta for auction sa Ebay Philippines ay matagumpay ang takbo sa ngayon.

    Maging ang ilang mga artista ay tumulong din sa kanya, tulad nina Luis Manzano, Anne Curtis, Ruffa Gutierrez, Kris Aquino at Pokwang.

    Nagbigay din sila ng items na isusubasta tulad ng mga Louis Vuitton bags at iba pang signature items.

    Nang i-post ni Angel ang mga item na in auction, napakarami na agad bidders. At take note, talagang hindi natulog ang young actress at siya mismo ang personal na nag-upload sa Internet ng items kasama ang kina Anne, Kris, Pokwang at Ruffa.

    Sa mga gustong makita ang for sale na designer items, mag-log-on lamang sa www.shopandshare.ph.

    For sale ang mga Louis Vuitton, Prada at Burberry bags nina Anne, Kris at Angel. Si Ruffa naman, ang Tory Burch heels ang naka-auction habang si Pokwang ay ang Louis Vuitton Magnolis heels.

    Proceeds of the sales will go to the Philippine National Red Cross’ disaster relief efforts.   



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here