Home Headlines Luksang parangal sa 5 rescuers na namatay sa bagyo

Luksang parangal sa 5 rescuers na namatay sa bagyo

1567
0
SHARE
Ang burol ng isa sa limang rescuers na si Narciao Calayag, Jr.

LUNGSOD NG MALOLOS — Dadalhin sa Biyernes sa Kapitolyo ng Bulacan ang limang PDRRMO rescuers na namatay matapos mabagskan ng gumuhong pader sa Barangay Camias, San Miguel, Bulacan sa kasagsagan ng Bagyong Karding.

Ito ay para bigyan ng luksang parangal ang mga rescuers na sina Troy Justin Agustin na nakaburol sa Sta Ines Chapel sa Plaridel; Narciso Robles Calayag Jr. na nakaburol sa Cruz sa Wawa Chapel, Barangay Santissima Trinidad, Malolos; Marby Bautista Bartolome na nakaburol sa Father’s Cradle Memorial Chapel, Barangay Sto Rosario, Malolos; Jerson Lopez Resurreccion na nakaburol sa Barangay Catmon, Santa Maria; at George Enriquez Agustin na nakaburol sa Barangay Iba O Este, Calumpit.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, sinagot na rin ng Kapitolyo ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing sa mga ito at lahat ng benepisyo na dapat matanggap ay inihahanda na. Bukod pa ito sa personal cash assistance na ibinigay ni Bulacan Gov. Daniel Fernando.

Samantala, hindi na dumaan sa autopsiya ang bangkay ng lima na desisyon ng pamilya para agad daw na maiuwi ang mga ito sa kani-kanilang mga kaanak.
Si Jessa Agustin na asawa ni Justin Agustin ay naniniwala na nakuryente ang lima na dahilan ng pagkamatay ng mga ito.

Bihasa naman daw kasi ang mga rescuers sa ganoong sitwasyon ngunit bukod sa nabagsakan ang mga ito ng gumuhong pader ay tinangay pa sila ng malakas na agos ng tubig.
Nagpapasalamat naman ang kaanak ng lima sa publiko na nakikiramay sa kanilang pagkamatay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here