Luis Manzano male counterpart ni Anne Curtisc

    416
    0
    SHARE

    HILA-DITO hila-doon ang inabot ni Luis Manzano sa presscon ng “The Voice Kids.”

    Totoong na-miss nang husto ng movie press ang panganay (at bunso) nina Edu Manzano at Vilma Santos sa pagtatapos ng “Minute to Win It.”

    Kaliwa’t kanan din ang tanong sa kanya kung kailan siya magiging “legal husband” ni Angel Locsin at kung ano ang karapatan niyang maging isa sa mga host ng bagong kiddie show na sa trailer pa lamang ay umaani na ng masigabong palakpakan, lalo na nang ipakita ang sampol ng batang bumanat ng “Grow Old with You.”

    Agad pinatunayan ni Luis kinagabihan ang “karapatan” niya dahil bumongga siya ng kanta sa Smart Araneta bilang special guest ni Anne Curtis. Si Luis na nga ang kokoronahang “Male Counterpart ni Anne Curtis,” na pupuno ng Smart Araneta.

    Hindi pa malaman kung ano ang titulong ibibigay sa kanya at kung kailan ito magaganap It will probably be the biggest joke in showbiz ever. Nag-aalala tuloy si Luis kung papayagan niya ang magiging panganay nila ni Angel Locsin na sumali sa isang kiddie show na tulad ng “The Voice Kids.”

    “Kung ako ang tatanungin, hindi siyempre. Pero, kung magpipilit siya, ano’ng magagawa ko? Look at me, pinag-aral ng mga magulang para maiwasan ang pagso-showbiz, pero, saan ba ako naroon ngayon? Heto, pinanggigilan n’yo parati,” sagot niya.

    Totoo naman kasi, iba ang dating ni Luis, aminin natin, Namana niya ang husay ng Dad niya (si Edu Manzano) sa hosting with matching tremendous humor. Iyon na nga lang, kinapos siya sa dramatic prowess ng kanyang Mom (Vilma Santos).

    Nakatsamba(?) siya bilang supporting actor sa “All My Life” kahit may John Lloyd Cruz at Vilma Santos pa siyang laging kaeksena. Hindi siya na-intimidate.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here