Luis Manzano binigo ni Angel Locsin

    290
    0
    SHARE
    Bigo pala  si Luis Manzano na maka-date si Angel Locsin nu’ng Valentine’s Day dahil may naunang commitment ang actress. Nagpunta siya sa Cebu dahil  libing ng uncle nilang namatay.

    Niyaya siya ni Luis  na lumabas sila pero ang sabi ni Angel, kung gusto  niya ay sumama na lang siya sa Cebu kasama ang friends niya. Hindi kasi pumapayag ang actress na dalawa lang silang magkasama. Ang ending walang Luis na sumama.

     ”Okay kami, nag-uusap kami nang maayos. Hindi na kami nag-aaway ‘yung ganun,” sambit ni Angel pero tuloy-tuloy pa rin niyang sinasabihang actor-tv host na huwag nang mag-effort.

    Magkaibigan sila ni Luis ngayon. Aminado ang aktres na  may feelings pa rin siya  sa actor-tv host pero hindi pa siya ready na makipag-date ulit at magkaroon ng commitment. Wala naman daw siyang ibang dine-date pero happy siya sa dahil may time siya ngayon para sa sarili niya, sa family niya at  walang umaangkin sa oras niya.

    “Pag may boyfriend ka hindi ka rin makalabas-labas ‘di ba? Gusto ko lang maging ready naman ako. Ayoko lang pumasok sa isang sitwasyon na baka mag-away lang kami. Naiintindihan naman niya kasi honest naman ako sa kanya.” 
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here