Luis, Angel tinuhog ni John Lloyd

    362
    0
    SHARE
    Tinutuhog daw ni John Lloyd Cruz  sina Luis Manzano at Angel Locsin. Kung nagkasama sina Lloydie at Luis  sa  ‘In My Life,” matunog naman ang tsismis na si Angel naman ang makakasama ng actor sa isang proyekto ng ABS-CBN.

    Niluluto na  raw ang pagsasama ng dalawa kaya sila na ang magkatabi sa ABS-CBN’s Christmas Station ID.

    Excited din si John Lloyd na makasama si Angel pero naninibago rin siya dahil after Bea Alonzo at Sarah Geronimo, ngayon ay iba na naman ang makakapartner niya.

    Actually,  sabi ni Angel sa launching ng ‘Shop & Share’ sa Gateway, nanenerbyos siya kay John Lloyd dahil  alam naman ng lahat kung gaano kagaling itong umarte. Pero sabi ni LLoydie kay Gel, wag itong mag-expect dahil  baka naman hindi ma-meet ‘yung expectations niya. Basta magtrabaho na lang sila. Ang importante ay mabuo ‘yung samahan nila bilang bagong magkatambal.

    Anyway, isa si John Lloyd sa nominado  sa Best Single Performance by an Actor  sa darating na PMPC Star Awards for TV sa Nov. 29 sa Pagcor Grand Theater, Paranaque City. Isa rin siya sa hosts kasama sina Piolo Pascual at Carla Abellana. Si Angel naman ay nominado bilang Best Drama Actress.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here