Lubak-lubak na kalsada sa Gapo

    542
    0
    SHARE
    Naglalakihang mga BILLBOARD ang nakapaskil sa bawat kalsada na pinagagawa ni Olongapo City Mayor James Gordon, Jr., para mapansin ng taumbayan at ng mga bumoto sa kanya ng nagdaang halalan na ang mga ipinangako nitong proyekto sa may 17 Barangay ng siyudad ay may nagawa.

    Gaya na lamang nitong lubak-lubak na kalsada sa RIZAL ST., EXTENTION, Barangay Barretto, ang laki ng karatula ni Mayor Gordon at nakalagay dun ang “0 + 800 meters ASPHALTING” at dahil dito natuwa ang mga tricycle driver at mga residente dito dahil maaayos na ang kanilang kalsada, pero, ganun na lamang ang kanilang pagkadismaya ng matuklasan hindi naman pala lahat at naiwan pa ang kapirasong lubak na kalsada.

    Mayor Gordon, bungad lang pala nag-iwan ka pa ng kapirasong lubak, kung baga sa “make-up” ng babae hindi pantay. Isa pa yung kontratista mo, napakanipis ang ginawang kalsada at kapag umulan ng malakas tiyak bakbak ang inispaltong kalsada. May masabi ka lang na nagawang kalsada, kasi malapit ng “ELECTION” kaya pa-pogi ka ng wala sa ayos, iayos mo naman Mayor. Huwag mong sabihin wala ng BUDGET, samantalang yung maayos na HIGHWAY na sementado pinaiispalto mo samantalang marami pa ang dapat isaayos.

    Isa pa madalian ang paggawa sa mga iniispaltong kalsada. Ang tanong ng CASTIGADOR sa tapat lang ba ng mga bumoto sa iyo Mayor ng nagdaang eleksyon ang pinaayos mong kalsada, paano naman ang iba?

    Hay naku, tanong tuloy ng taumbayan gumagawa ba kayo ng proyekto o pera? Magkano bang halaga ng proyekto? Dati nakalagay ito sa BILLBOARD mo, ngayon wala, a!

    Nakalagay pa sa malaki mong BILLBOARD, “THIS IS WHERE YOUR TAXES ARE BEING SPENT. TAKE CARE OF IT”. Ganun naman pala Mayor, bakit sa tapat lang ba inaayos ang kalsada sa mga nagbabayad ng buwis?

    Paano itong pangangalagaan, e! Mayor, mas makapal pa yung PAD PAPER. Tingnan mo at pasyalan mo Mayor, baka magulat ka? Wala pang isang buwan na dinadaanan ng TRICYCLE, aba e! may TAPAL na kaagad ang kalsada, mas lalo na kung may madayong malaking truck, tiyak sabog ang kalsada.

    Sabagay, bakit mo nga naman titibayan ang isang proyekto, lalo na kasabwat ang kontratista, ang gagawin lamang niyan puro SUB-STANDARD para sa susunod may gagawin uli ito, siyempre panibagong kontrata na naman at panibagong porsiyento.

    Tama ba, o mali? He he he.

    MAYOR, sabihin mo naman sa kontratista mo, tibayan naman ng kahit konti ang ispalto, kitang-kita at halatang nandadaya, e!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here