LP nagpakita ng suporta sa kapartido

    329
    0
    SHARE

    May mahigit sa isang libong katao na pawang mga opisyal ng barangay sa sampung bayan ng Zambales ang sumapi sa Liberal Party upang susugan ang pagpapatalsik kay Supreme Court Justice Corona.

    Ang mga bagong recruit na LP members ay sumailalim sa “Seminar in Basic Orientation in Liberal Democracy” na ginanap sa bayan ng Iba, Zambales.

    Ang seminar anila ay bilang pagtaguyod sa prinsipyo ng pamahalaang Aquino sa pagtahak ng matuwid na daan.

    Sa nasabing pagpupulong ipinakita ng mga LP members ang kanilang pagsuporta sa kanilang kandidato para kinatawan ng ikalawang distrito ng Zambales na si Cheryl Deloso-Montalla.

    Kaugnay nito, nagsimula nang manuyo nitong Enero 19 ang limang kandidato sa puwesto ng nasirang Kinatawan Antonio Diaz matapos silang mag-file ng kanilang “Certificate of Candidacy” sa Comelec Provincial Office.

    Naniniwala naman si Comelec Provincial Election Supervisor, Atty. Elaiza Sabile-David na magiging maayos ang “special election” sa lalawigan dahil ang lahat ay nakatuon ang paningin sa lugar na siyang kauna-unahang political exercise sa ilalim ng Pinoy Administartion.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here