Advantage kina Rocco at Lovi na magkasama sila sa Beautiful Strangers dahil nagtatrabaho silang magkasama. Hindi na sila mag-i-effort para magkita dahil laging magkasama sa taping.
In fact, hindi na yata naghihiwalay sina Lovi at Rocco dahil pati sa pag-compete ni Rocco ng jujitsu sa Japan sa September, isasama niya si Lovi. Magpapaalam sila sa GMA-7 at kay Director Albert Langitan kahit ilang araw lang para sa nasabing jujitsu competition.
Biro nga ni Rocco, takot siya ngayon kay Lovi dahil mabilis natutong mag-jujitsu.
Ang daming twist ng story ng Beautiful Strangers na tututukan ng viewers. Ang karakter nga ni Rocco na si Noel, bida-kontrabida at si Lovi bilang si Joyce/Lea, dumaan sa physical at emotional pain.
May rape scene si Lovi kay Christopher de Leon at kung saan, sinabi niya kay Boyet na totohanin siyang saktan at totohaning punitin ang suot na damit para mas makatotohanan ang eksena.