Lovi Poe sinuwerte sa dyowang si Ronald Singson

    709
    0
    SHARE
    Kung tutuusin, suwetrte nang masasabi na si Ronald Singson ang pinili ni Lovi Poe para maging boyfriend niya. Super rich kasi ang anak na ito ni Chavit Singson kaya kayang ibigay ang lahat ng luho ni Lovi at ng pamilya niya. Although, deny pa rin nang deny si Lovi and says na ardent suitor lang niya si Ronald. Wala nang naniniwalasa kanya.

    Ganyan din naman kasi ang stance ni Lovi nang sila pa ni Jolo Revilla. Kesyo ganyan at ganito pero lagi naman silang magkasama sa ma lakaran.

    Aba ultimong mga maliliit na pistahan sa malalayong mga barangay, sumusunod kay Lovi si Jolo. To the point na hindi naman kasali sa eksena si Jolo, umaakyat siya sa stage para makipag-duet kay Lovi. Hitsurang wala siyang bayad, maipakita lang ang suporta kay Lovi Poe.

    So far, ganyan naman ang stance ng love affair nina Lovi Poe at Ronald Singson. Would you believe, hanggang sa New York, talagang sinusundan ni Ronald si Lovi Poe?

    Pero suwerte naman ang ginawang pagsunod ni Rep. Ronald Singson sa dyowang si Lovi Poe sa New York dahil ang movie nila ni Jacky Woo na Walang Hanggang Paalam ang itinanghal na Best Picture sa awards night ng Soho International Film Festival.

    Sa movie ay ipinakita ni Lovi ang galing sa pag-arte kasama sina Jacky at Joem Bascon.  Kuha ang pelikula sa Baguio City na bumagay sa magandang istorya ng pelikula na tungkol sa pagha-hanap sa dating asawa at anak ng isang Hapones na ginampanan ni Jacky.

    Ayon pa sa aming source, sobrang nasorpresa si Lovi sa pagsunod ni Ronald sa New York.
    Hindi kasi ine-expect ng dalaga na biglang aapir sa awards night ang binata ni Chavit Singson.

    Kaya naman lalong umugong ang usap-usapan na mag-on na ang dalawa at hindi magtatagal ay sa kasalan mauuwi.

    Usap-usapan ang kasalan sa dalawa dahil sa iniregalong diamond earrings ng binata bilang birthday gift kay Lovi na worth millions, huh!

    Pero so far, ang inamin lang ni Lovi ay ardent suitor niya si Ronald, na ayon naman sa grape vine, ay talagang ka-on ni Lovi at ipinalit niya kay Jolo Revilla.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here